"Speak quickly before I run out of patience and shoot a hole in your head, too." Ang bihag ay nag-aalinlangan, pero nandidilat ang mga mata nito sa labis na takot. Kitang-kita ang pangangatal ng katawan nito. Kahit ang mga labi nito ay nanginginig din. Natulala ito sa katawan ng kasamahang wala nang buhay sa katabi nitong upuan. Nang mga sandaling iyon, dahil sa bumalot na nakakakilabot na katahimikan, ay tila triple ang lakas ng bawat patak ng dugo na tumutulo sa sahig mula sa sugat ng lalaking binaril niya sa ulo. Maririnig ang mababaw na paghinga ng mga bihag, at ang mababang tunog ng bombilyang nakalawit mula sa kisame at umuugoy pakaliwa't kanan. Pumalatak si Lukas, ang kanyang pasensiya ay malinaw na nauubos na. "Alam mo..." aniya, ang kanyang boses ay kalmado pero malinaw ang p

