Gumuhit ang matinding pag-aalala sa mukha ni Ireta nang marinig ang sinabi niya. Natampal nito ang noo, at sunud-sunod ang ginawang paghugot ng hangin. "Ibig mong sabihin, ganiyan ang kalagayan mo mula pa kanina? You're bleeding!" hiyaw nito sa kanya, alalang-alala. "It doesn't hurt," aniya, nakangisi. Umangat ang kamay niya at akmang idadampi ang palad sa pisngi ng asawa, pero inis nitong pinalis ang kamay niya. "Patignan natin iyan sa doktor. Ngayon din!" matigas nitong wika. "Maliit lang ang sugat ko. It will close on its own, for sure," aniya. "Maliit? Pero tumutulo nang ganiyan kasagana ang dugo mula sa sugat mo? Hindi puwedeng hindi iyan ma-check ng doktor," giit ni Ireta. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok ng Emergency Room. Nagpahila naman siya rito. Napalingon k

