May nakasalpak na ice bag sa noo ni Lukas habang nakahiga siya sa sofa ng VIP lounge. Kanina pa panay labas ng malulutong at matatalas na mura mula sa mga labi niya, dahil pabalik-balik ang pakiramdam na tila may humahalukay sa sikmura niya at animo bumabaligtad iyon, kaya nakakailang takbo na siya sa lababo. "Sir Lukas, okay ka lang ho ba?" tanong sa kanya ni Klaver. Nakatayo ito malapit sa sofa kung saan siya nakahiga. Nagbabantay. Inaabangan kung may i-uutos siya rito. Umungol lang siya, hindi nag-abalang imulat ang mga mata. Iritadung-iritado siya, lalo na at hindi siya ang tipo ng taong madalas na nagkakasakit. Pinatunog niya ang dila, naiinis. "Why do you even want to know if I'm okay?" tanong niya kay Klaver. "Pinagtimpla po kasi kita ng ginger tea, at dinalhan kita ng isang pake

