"What?" Nagsalubong ang mga kilay ni Lukas nang marinig ang sinabi sa kanya ni Klaver. Nasa loob siya ng opisina niya sa mansiyon at pinatawag niya ang tauhan. Nang sabihin kanina ni Ireta sa kanya na ayaw na nito sa salmon at ang gusto na nitong kainin ay ang pancit na katulad ng dinala niya rito noon ng mga bata pa sila ay tinawagan niya kaagad si Klaver at in-utos dito na ipatrabaho sa magaling na P.I. ang pagtunton sa kasalukuyang lokasyon ng mayari ng karinderya kung saan niya binili ang pancit noon. "Lumipat na po ng Visayas si Socoro Santos may limang taon na ang nakakaraan. Nasa Dumaguete na ngayon ang taong ito," imporma nito sa kanya. "Five years, whew." Napasipol siya. Mahabang panahon na ang limang taon. Marami nang puwedeng mangyari sa loob ng mga taong iyon. "But, is she s

