Nang humupa ang init ay tinulungan kaagad ni Lukas ang asawa na ayusin ang damit nito. Pero tinabig ni Ireta ang kamay niya. Nagtatakang napatingin siya rito. "Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong niya sa asawa. "Imbes na galit, mas tama sigurong sabihing napu-frustrate ako sa sitwasyon natin," sabi nito, sabay hugot ng eksasperadong paghinga. May lungkot na nakasungaw sa mga mata ni Ireta. "Ireta..." "Get out. Nakuha mo na ang gusto mo. Umalis ka na," pagtataboy nito sa kanya. "You’re making it sound as though all I want is s*x. Na parang iyon lang talaga ang pinunta ko rito," matalim ang anggulo ng panga niya nang salungatin niya ang paratang sa kanya ng asawa. Kumawala ang matabang na tawa sa bibig ni Ireta. Sinibat siya nito ng masamang tingin. "Bakit hindi ba totoo naman?" "No! T

