Madilim ang mukha ni Lukas nang titigan nito si Damien. "Are you the CEO?" May maliit pero nakapipinsalang apoy ang nagniningas sa mga mata nito. His pupils dilated like dark pools of madness, gleaming with dangerous intensity. Tila malalim na balon ang mga mata ni Lukas. Balon ng kabaliwan. At ang mga matang iyon ay nakapukol nang buong tiim sa mukha ni Damien. Kung wala siguro siya roon nang mga sandaling iyon ay baka kanina pa tinapos ni Lukas ang buhay ni Damien. Nagbaba ng tingin ang CEO ng Arkonis para muling hawakan ang wine glass, at dinala nito iyon sa mga labi, sinimsim. "Would you be satisfied with a yes, or disappointed with a no? Or perhaps the opposite is true?" Matalinhaga ang isinagot nito sa Underboss sa patanong ding paraan. Sa sobrang kalmado ni Damien ay parang gusto

