Naayos na ni Lukas ang damit niya, at hinalikan siya nito sa noo, tinitigan siya sa mga mata nang buong tiim, bago pinatakan ng halik ang ilong niya, at dinampian ng magaang halik ang mga labi niya. Napatingin siya kay Lukas. Kalmado na ito. Pero dinig niya pa rin ang malalalim nitong paghugot ng hangin. "Lukas..." marahang sambit niya sa pangalan ng asawa. Kinabig siya nito at mahigpit na niyakap. Dumulas ang isang palad nito sa ibabang likod niya para lalo siyang mahatak padikit sa katawan nito. Mainit ang palad nito at tumatagos ang init niyon sa kanyang kalamnan. "Do not make me feel jealous ever again, Ireta. F*ck, nagdidilim ang paningin ko sa sobrang selos kanina," kumpisal nito. "Huwag kang lumapit sa iba. Huwag kang tumingin sa kanila. Sa akin ka lang, Ireta. Ako lang ang tit

