Sa gitna ng silid na naiilawan lang ng mapusyaw na ilaw ay nakaupo sa isang bakal na upuan si Eliana. Ang mga kamay nito at paa ay natatalian ng makakapal na lubid, mahigpit at walang puwang. Malabong makatakas ito, ni hindi nga nito magawang pumiglas. Ang katawan nito ay may mga pasa at sugat. Ang ulo ng dalaga ay bahagyang nakatungo, ang mga hibla ng buhok nito ay natakpan ng dugo at pawis, na bumabagsak sa mukha nito. Pahingal na ang ginagawa nitong paghinga. Taas-baba ang dibdib nito. “Masaya na kayo? Nag-ienjoy kayo sa ginawa n’yo sa akin?” nagngangalit ang mga ngipin ni Eliana, matalim ang tinging ipinupukol kay Ireta. Ang mga mata nito, bagama't kababakasan ng pagkagimbal at takot, ay may bakas din ng pag-aalsa, isang matalim na kislap na nagpapahayag ng pagmamatigas. Ang mga uga

