**AUCTION ROOM May nakakabit na wireless earbuds sa magkabilang tainga ni Lukas. Pero ang totoo ay walang musikang tumutugtog mula sa aparatong iyon. Katahimikan ang pinakikinggan niya. Nakabibinging katahimikan. Gumalaw ang mga labi niya at natagpuan niya ang sariling kinakanta ang musikang palagi niyang sinasabayan ang liriko. Iyon ay sa kabila ng wala siyang pinakikinggang kanta mula sa aparato. “Come tiptoe through the tulips with me...” Mababa lang ang boses niya, buong-buo, baritono, taliwas sa boses ng mang-aawit na high-pitched falsetto. The song may sound unusual to some, but it’s actually a love song—the only love song Lukas liked and enjoyed singing. Kahit na nakatutok sa unahan ang atensiyon niya ay nahahagip niya ang bawat kilos ni Ireta mula sa gilid ng kanyang mga mata

