Chapter Seventy-Three MATINIK AYAW niyang iwan yung litrato dahil naaalala niya ang kabutihan ng kanyang kapatid kaya naman iniwan ko muna siya doon dahil ayaw ko siyang makitang umiiyak dahil sa pangungulila niya sa kanyang Kuya Kevin. "O, nasaan na si Sebastian?" tanong ni Sir Tolentino nang makalapit ako sa kanya. "Ayun Sir, pinagmamasdan ang litrato niyo kasama ang kanyang kuya," sagot ko saka ako tumagay. "Matindi nga talaga ang pinagdadaanan niya. Hindi ko rin maintindihan ang kanyang nobyang si Sam. Bakit kailangan niyang gawin ito sa kanya? Imbes na intindihin niya si Seb ay iniwan pa niya ito," "Wala tayong magagawa doon Sir. May sarili siguru siyang rason kaya siya umalis. Siya nga pala Sir, may sinasabi siyang kamukha ng relo na ibinigay ni Mang Nicholas. Yung napulot niya

