Chapter Forty-Five SAMANTHA NAGISING ako dahil wala si Sebastian sa tabi ko kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nadatnan kong nasa labas din sina Mama. Yun pala ay may pumasok na tao sa area. Grabe na ang mga tao ngayon. Pati bahay ng may bahay gusto nang pagdiskitahan. NANG masiguro ni Sebastian na safe na lahat ng pintuan sa bahay ay sumunod na rin siya sa akin sa kwarto. Kinakabahan ako dahil baka bumalik na naman yung gustong manloob baka may kinalaman iyon sa taong nanloloko sa kanya tungkol sa case ng kanyang kuya at hipag. Mabuti na lang at wala siyang sinaktan sa amin. ALAS SINGKO ng umaga nang gisingin ako ni Sebastian para magluto na ngunit pagdating namin sa kusina ay nagluluto na si Mama. Maaga tuloy silang nagising dahil sa pag-aalala kaya pagkatapos naming maghand

