Chapter Forty-Six SEBASTIAN PAGKABASA ko sa text na iyon ay biglang nag-init ang aking ulo. Galit ang nararamdaman ko. Kapag talaga nalaman ko kung sino itong gumagago sa akin, makakatikim siya. Sinubukan kong tawagan ang numerong iyon ngunit hindi na nagriring. Tang-*na talaga. Mahahanap at mahahanap ko rin ang gagong ito. Kaagad naman akong nagpadala ng mensahe kay Police Master Sergeant Tolentino ukol sa text na natanggap ko mula sa hindi ko kilalang numero. Hindi ko siya puwedeng tawagan dahil baka may makarinig sa amin kung kaya nagpapalitan na lang kami ng mga mensahe gamit ang cellphone. May nagpadala rin daw sa kanya ng ganoong mensahe ngunit ibang numero. Talagang ginagago kami ng taong iyon. Hindi na ako nakapagpokus pa sa ginagawa ko sa kakaisip ko doon kaya naman pagk

