Chapter Fifty-Two SEBASTIAN DAHIL Linggo ay nagtungo kaming lahat sa simbahan upang dumalo sa misa pagkatapos ay kaagad din kaming umuwi. Kagaya nang utos ni Ma'am ay naglaba nga ako ng mga punda, kumot at sapin sa kama. Mahirap na at baka pagalitan niya ako. Hindi naman sa ina-under niya ako pero gusto ko lang talagang gawin iyon dahil bukod sa may sugat pa ang kanyang braso ay gusto ko siyang pagsilbihan. “Mahal, akin na yung mga maruruming damit diyan. Isusunod ko na maya-maya,” sigaw ko habang pinipiga ko ang kumot na nasa washing machine dahil ako ay nasa banyo. Maluwag naman ang banyo kung kaya dito na ako naglaba. “Saglit lang mahal. Tatapusin ko lang itong winawalisan ko,” sagot niya dahil kasalukuyan siyang nagwawalis sa sala. “Magmeryenda na muna kayo mga anak. Alas-Nuweb

