Chapter Fifty-Three SAMANTHA ALAS-SINGKO ng hapon nang magising ako dahil sa katok ni Mama ngunit wala pang dumadating na Sebastian sa aming kwarto. Nasaan na kaya siya? Bakit hindi pa siya umuuwi? Ito na yata ang pinamatinding away namin. “Anak, hindi ka pa kumakain,” ani Mama mula sa labas ng kwarto. “Mamaya na po Ma,” sagot ko. Kinuha ko naman ang aking cellphone na nasa mesa at sinubukang kontakin ang asawa ko ngunit patuloy lang itong nagriring. Ano na kaya ang ginagawa niya? Masyado na ba akong OA dahil lang sa isang text message na nabasa ko sa kanyang cellphone? Hindi ko na alam. Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka ako nagtungo sa harap ng salamin. Mugto ang mata ko at medyo namumula ang mga ito. Kakayanin ko kayang magmove-on kung sakaling malaman kong may ibang baba

