Chapter Fifty-Four SAMANTHA KASALUKUYAN pa rin na natutulog si Sebastian at hindi ko alam ang aking gagawin oras na siya ay nagising. Hindi ko alam kung paano ako magsosorry sa lahat ng aking mga nasabi. Hindi na rin ako kumain ng dinner dahil hindi ako makakain sa labis na kaba at wala akong gana. Alas-Nuwebe na at mahimbing pa rin ang kanyang pagkakatulog. Ako naman ay nakaupo sa upuang nasa harap ng study table habang siya ay pinagmamasdan ko. Hindi rin naman ako makapagfocus sa ginagawa kong lesson plan kaya itinigil ko na. “Lagot ka mamaya Sam!” bulong ko. Para na akong tangang hindi mapakali sa aking pagkakaupo at kinakausap ko na ang aking sarili. Tatayo na sana ako para gisingin siya nang bigla siyang gumalaw at nag-inat-inat kaya nanatili na lang ako sa aking pagkakaupo.

