Chapter Seventy SEBASTIAN “OPO SIR, nakita ko po siyang lumabas ng gate ninyo habang nagsasalita ka po,” wika ni Pat. Abad. May nasabi ba akong mali na ikinagalit niya? Wala naman eh. Tungkol lang naman kay kuya yung sinabi ko. Hindi ko na maintindihan ang mahal ko. Sa totoo lang. Bakit kailangan naming humantong sa ganito kung maari naman naming pag-usapan ang mga bagay-bagay? “Nag-away ba kayo tol?” tanong ni Matinik. “Nag-away kami noong nakaraang linggo at hanggang ngayon ay hindi pa kami lubos na nagkakaayos,” “Naku Sir. Baka nga galit pa siya sa 'yo. Pero bakit kailangan niyang magmadaling umalis?” wika ni Pat. Abad. “Hindi ko rin alam. Sandali nga at susubukan ko siyang tawagan,” saad ko saka ko sinubukang kontakin ang kanyang numero. Kagaya ng kanina ay hindi ko makontak i

