Prologo
Taong 1821
Nanghihina, naghihingalo habang pumapatak ang dugo sa kanyang ilong. Pasado alas siete ng nang gabi at hawakhawak pa rin niya ang pluma. Isinusulat niya ang kanyang huling pamamaalam sa mundo tanging mga luha ang tumatak sa kanyang papel saksi ang buwan na dumadaloy ang liwanag sa bintana.
Matapos nitong isulat ang liham pinagmasdan muna niya ang gasera na nagbibigay ng liwanag sa kanyang silid ng nakangiti, inilagay niya ang pluma sa tinta at linukot ang papel.
"Tila ako'y nababaliw na," saad ni Isagani. Inabot niya ang kahon na metal sa gilid ng lamesa at dito niya inilagay ang liham. Inilibot niya ang kanyang mga mata hanggang sa makita nito ang buwan, tumulo ang kanyang mga luha na para bang paslit, pinupunasan nito ang kanyang ilong at nakita niyang puro dugo ang nasa puting alampay "Nawa'y iyong tuparin ang aking hiling," saad nito habang kinukuyom nito ang kaliwang kamay. Nakasuot lamang ito ng camisa de tsino, itim na saluwal at bakya.
Saktong alas singko na ng gabi, naglalakbay ito patungo sa masukal na kagubatan, pinipilit nito ang kanyang sarili kahit na matutumba na ang kanyang katawan. Namumutla na rin ito at pinagpapawisan ng malagkit.
Mayamaya pa'y nakikita na nito ang nag iisang malaking puno sa taas ng bundok maging ang buwan ay nagmamasid rin ito sa kanya.
Lumapit ito sa punong Olibo "Matagal rin tayong hindi nagkita, kumusta ka na?" saad nito ng nakangiti habang hinahawakan niya ang puno ng kanyang kaliwang kamay.
Umupo siya at muling binuksan ang metal na kahon, kinuha niya ang liham habang nagsisimulang umitim ang kalangitan "Bakit ito pa ang nangyari sa akin o'Dios ko?" saad na tanong ni Isagani habang tumatangis ito at nakatingala sa siya buwan "Ako ba'y makasalanan o sadyang maramot ka lang? Batid ko sa sarili ko na marami akong pagkakamali sa buhay mga bagay na agad ko namang pinagsisisihan, namamalikluhod ako upang humingi ng kapirasong awa, sinusunod ko ang iyong mga utos o'Dios ko! Batid mong higit pa sa buhay ko ang pangarap para sa pamilya ko!" mariin nitong tugon "Ngunit ngayon? Dalawampot dalawang taong gulang pa lamang ako tila'y agad mong kukunin ang aking buhay? Bakit Panginoon? Ako ba'y iyong kinamumuhian? O pinaparusahan?" sunod-sunod na tanong nito, yumuko siya at ngumiti ng bahagya "Pasensya na Panginoon, hindi ko dapat ginawa iyon sayo marahil ay hindi ko lamang matanggap ang aking katayuan" bumuntong hininga siya at tumayo. Pinagmasdan niya muli ang kanyang liham.
"Sana'y pakinggan mo ang aking hiling, sagutin nawa ng susunod kong buhay ang aking munting dalangin" saad nito habang pinipilit niya ang kanyang sarili na ngumiti. Muli niyang linukot ang papel at ipinasok niya ito sa metal na kahon.
Nag hukay siya ng naghukay gamit ang isang kahoy na kinuha niya lang sa kanyang tabi at kasabay ng pagdagundong at pagkidlat, inihulog na niya ang liham at kaagad niya itong tinabunan.
Tumayo siya habang nakatingala siya sa langit, na siya namang unti-unting pag tulo ng malakas ulan.