bc

My Bittersweet Mistake

book_age18+
23
FOLLOW
1K
READ
billionaire
one-night stand
HE
opposites attract
badboy
bxg
city
cruel
like
intro-logo
Blurb

Si Marion Yuna "Mayu" Selvestre ay bunga ng isang kataksilan. Uhaw sa pag-ibig ng mga magulang. Walang hiniling ang dalaga kun'di maging parte ng pamilya ng kanyang Tatay o Nanay. Ngunit iyon ay naging mas malabo matapos siyang mapiling fiancée ng isang kilalang bilyonaryo na parehong gusto ng kanyang mga kapatid. Hindi iyon matanggap ng kanyang mga magulang sapagkat maging ang mga ito ay naghahabol sa bilyonaryo. At mas lalo pang lumabo ang kanyang kahilingan nang siya ay mabuntis dahil sa isang gabing pagkakamali. Sa takot na ito ay ipalaglag ng kanyang mga magulang at sa takot na malaman ng lalaki na siya ay nagdadalang tao, nagawa niyang lumisan sa kinagisnang lugar at magpalipat-lipat pa sa tuwing siya'y nahuhuli nito. Takot man sa buhay ay mas takot si Mayu na kuhanin sa kanya ang anak ng tuso at tinuturing niyang halimaw na si Aldo Hendrix Castellanos.

chap-preview
Free preview
SIMULA
"Hindi na ako masaya, Mateo! Gusto kong bumalik na sa asawa ko!" Madiin kong tinakpan ang mga tainga sa sigaw ni Nanay. "Sa tingin mo ba natutuwa pa ako sa ganitong sitwasyon, Yura?! Hindi!" Mas nagsumiksik ako sa sulok ng pader sa sigaw ni Tatay. Heto at mag-a-away na naman sila. Dumadagundong sa kaba ang puso ko at hindi mapigilan ang panginginig ng mga labi. Sa tuwing nangyayari ito ay tila ako kinakapusan ng hininga ngunit umaasa pa ring magiging maayos sila. "Dear God, please, bind my parents with love and no hatred. Gusto ko po na buo kami at hindi magkahiwa-hiwalay, Papa G," mahinang usal ko bago pumikit. Ngunit namulat rin ako sa malakas na paghampas ni Tatay sa mesa. Mas lalo pa akong sumiksik sa pader dahil doon. Hindi mapigilang umalpas ang mahihinang hikbi sa aking mga labi sa kaba at takot na nararamdaman. "Bakit kasi binuhay mo pa itong batang 'to?! Tapos ano? Iiwan mo sa'kin?!" Napahikbi nang tuluyan matapos makita ang hintuturo ni Tatay na nakaduro sa akin. Nanakit ang lalamunan at kusang nalaglag ang mainit na likido sa aking pisngi. Walang tigil. Nalasahan ko pa kung gaano kaalat ang mga iyon. "Walang kasalanan ang bata, Mateo-" "Hindi ko 'yan kayang alagaan! Babalik din ako sa asawa ko at hindi niya panigurado tatanggapin ang bata," humina pa ang boses ni Tatay sa dulo. Maghihiwalay sila! Ang bata kong kaisipan ay doon lamang natuon, sa kanilang paghihiwalay. Mas lumakas ang hikbi ko at marahas na umiling. "Mas lalo namang hindi 'yan tatanggapin ni Frank!" si Mama na naglalagay ng gamit sa kanyang maleta. "Aalis na rin ako kung ganoon." Mabilis din na kinuha ni Tatay ang sarili niyang maleta. "Ano'ng balak mong gawin sa anak mo? Itapon sa ampunan?" si Nanay na masama na ang tingin. "Bahala na!" Mas humikbi ako sa isiping wala ni isa akong makakasama sa kanila. Wala ni isang may gusto sa akin. Ayaw nila sa akin! "N-anay, h-uwag p-o n-inyo akong iwan!" Nagmamadali akong tumakbo at pilit inabot ang laylayan ng damit ni Nanay. "Nay-" "Magtigil ka diyan! Hindi kita pwedeng isama roon! Mas magagalit ang asawa ko kapag nakita ka!" Winaksi nito ang kamay ko at saka nagmamadaling umalis. "Nay!" Humagulhol ako at halos maubusan ng hininga kaiiyak. Nanlalabo pa ang paningin kong tinatanaw ang bultong papalayo ni Nanay nang dumaan din sa harapan ko si Tatay bitbit ang maleta niya. "Tay! S-ama po ako." Pilit ko pang niyakap ang mga binti niya. Ramdam ko ang pagkatigil niya. Ang akala ko ay mananatili siya noong araw na iyon para sa akin. Ngunit hindi. "T-ay, s-ama p-o a-ko! N-ay!" Ngunit nabibingi sila at walang balak pakinggan ang aking kamusmusan. Walang lumingon o humakbang pabalik.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook