Napabalikwas ng bangon si Gab dahil sa sunod-sunod na doorbell at kalampagan ng kaniyang pinto. Kahit may hangover, pinilit niyang bumangon para alamin kung sino ang nasa labas. Bakit ba kay aga-aga nambubulabog ito? Nakapikit pa nga ang kaniyang isang mata habang binubuksan ang pinto. "Bak-" hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil sumabad agad ang guwardiya. "Sir! Sir..." habol-hinga nito. "Hinimatay po bigla ang binibining ito noong makita ang I.D ng asawa niyo," wika nito habang pinapaypayan ang babaeng nawalan ng malay. Nawala ang antok ni Gab nang napagtantong si Trish pala ang babaeng hinimatay. Agad-agad siya kumilos para buhatin ito. "Kuya tulungan niyo po akong maipasok siya sa loob," agad-agad namang tinulungan siya ng guwardiya. Mabigat pala ang tao kapag nawalan ng ma

