Isang buwan ang nakalipas. Inakala ni Ariya magiging okay na ang ugnayan nila pero kabaliktaran ang nangyari. Dati nakakausap niya pa rin ito kahit late na itong umuwi. Pero ngayon sobrang dalang na niya itong makita. Minsan tatlong beses na lang sa isang linggo ito umuuwi. Para mabawasan ang lungkot, ibinuhos niya ang panahon niya sa pagpa-piano. Mabilis ang kaniyang pagsulong sa pagbabasa ng nota. Hindi namalayan ni Ariya na mag-aalos dose na ng hating gabi at nakaharap pa rin siya sa piano nang biglang may bumukas ng pinto. "Uy! A-ang" sinok ''s-shipag naman ng as-shawa ko,'' bungad ng lasing na lasing na si Gab. Pasuray-suray pa ito sa kalasingan. Automatic si Ariya na napatayo sa kinauupuan niya para alalayan ito. ''It's too late already. You're drunk at nakuha mo pang magmaneho pa

