KAELYNN's POV Hinila niya pa ko pataas at hindi ko na maabot ang sahig, ang sakit ng braso ko parang matatanggal. "Ano ba! Bitawan mo ko wala akong paki," sabi ko at siniko siya ng isa kong braso kaso agad niya rin 'tong nahawakan. Nakakaagaw na kami ng atensyon ng mga istudyante, nakita ko 'yung isa naming classmate ni Red na sumilip at sumiksik pa sa dami ng tao. Siya 'yung babae nung nakaraan, 'yung nakasalamin. Tinitigan niya lang ako at parang walang nakita at umalis na, nalungkot ako dahil inaasahan kong tutulungan niya ko kahit papaano pero hindi binaliwala niya lang ako. "Ano bang gusto mo Kidd?" Iba na ang mukha ni Danrious kumpara kanina, inis na inis na siya at pulado na ang mata niya. "Hmm? Ano nga ba?" Tumingin siya sa'kin at inamoy ang leeg ko, kinilabutan ako at pumik

