KAELYNN's POV Tumingin ako sa kaniya kaso iniwasan niya ang tingin ko, ano ba talaga? Galit ba siya sa'kin o ano? Akala ko okay na kanina pag-uwi namin galing school? Pero ngayon bagong gising lang siya isnabero na siya? "Galit ka ba sa'kin?" Tanong ko kay Danrious na kumakain ng toasted bread. Hindi niya ko pinansin at ininum 'yung gatas niya, actually dapat tanghalian na namin ito eh kasi 10am na kami nagising. "Hayaan mo siya Kaelynn, mabuti pa ipaliwanag niyo sa'kin ang nangyari sa school kanina. In-update na rin ako ni Six pero gusto ko ng full report," sabi ni Sir Daryl na kasama namin kumakain. Late na rin siya na gising ewan ko kung bakit. Nagkamot ng ulo si Daniel pero siya na ang na una magsalita. "Alam mo naman si Kidd hindi ba kuya? Hindi titigil iyon hangga't hindi niya

