RED's POV Sunday ngayon at hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung mga lumipas na linggo, ang weird ng school, ang werid ng mga student at bakit ganoon ang turing nila sa'min? Mahirap man kami hindi dapat nila kami minamata, purque wala kaming binabayaran miske isang kusing sa paaralan na iyon ay ganoon na nila kami ituring? Nasapo ko ang noo ko at nagbuntong hininga saka tinukod ang siko ko sa bitana at tumingin sa labas. Lintik na, ang gulo ng isip ko at sobrang tahimik pa dito sa bagong apartment na tinutuluyan ko, malayo sa kinalakihan kong ampunan kung saan lagi maingay at makakarinig ka ng mga tawa ng bata. Tatawagin kang kuya Red o kaya pag mang-aasar sila sayo tatawagin ka nilang Runo. Lahat naman ng tao sa ampunan alam ang nararamdaman ko sa kaniya siya lang 'tong tumatanggi sa

