KAELYNN's POV Minulat ko ang mata ko saka ako naghikab, tinignan ko ang orasan at tanghali na naman. Ilang linggo na ang nakakalipas simula nung pasukan, na sanay na ko sa gabing buhay at nakakapag-adjust na ko sa klase namin. Salamat sa mga bagong maids ng mansion hindi ako gaano nahihirapan ngayon pwera na lang sa isang ito. "Ate taylin bangon na." iyan araw-araw siya ang taga gising ko at tanghali na rin hindi pa siya nagpapalit ng pajama niya o naliligo. "Okay-okay." inaantok pa ko kasi 5am na kami na kauwi tapos ngayon 9:30am pa lang ng umaga ginising na ko ni Sir Darenn. Dapat mga 11am pa ko magigising eh, pero dahil excited siya sa birthday niya maaga niya kong ginising ngayon. "Hindi ka na naman nagpaligo kala ate Sol?" Umiling siya at ngumuso. "Ataw ito sa tanila," ngumiti

