DANRIOUS's POV Mabilis akong umalis sa trabaho ko na hindi man lang nakakapagpaalam o nakapagpalit ng uniform na suot ko. Sobrang init sa balat habang tumatakbo ako sa malapit na sakayan ng jeep, sumakay ako sa puno na at papalis kahit siksikan tiniis ko para lang makapunta agad sa kaniya. Nasa trabaho ako nang tumawag si tita Rose sa’kin at sinabing kritikal ang lagay ng anak ko. Hindi ko alam ang nangyari pero pagtapos nun kusang gumalaw ang katawan ko papunta sa mag-ina ko. Halos hindi ako mapakali sa jeep at na mamadali na halos lahat ng tao ay nakatingin na sa’kin, ang daming bumababang pasareho at dahil dun patigil-tigil ang sasakyan na mas nagpapatagal sa byahe namin, Hindi ko na nakayanan at umiyak na ako sa jeep, hinubad ko ang sumbrero na suot ko at tinakip sa mukha ko. "Hi

