DANRIOUS's POV "Runo handa na ang umagahan," tinawag ko siya para pumunta sa kusina pero hindi siya umimik at pawang tulala. Muli akong lumapit sa kaniya at tinapik ang balikat niya. "Pst! Oy, tara kain na tayo," Tumingin siya sa’kin at tumango, wala siyang kaekpresyon-ekspresyon sa mukha at laging tulala, ilang araw na rin ang lumipas ng mangyari samin ang trahedya na iyon. Oo masakit pa rin para sa’kin at alam kong mas masakit para sa kaniya pero walang mang-yayari kung itutuon namin ang buong buhay namin sa pagsisisi sa pagkawala ng anak namin. Masakit na parang dinudurog nito ang puso ko tuwing sasagi sa isip ko ang mga nangyari. Minsan matutulala na lang din ako at hindi na mamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Pero parte iyon ng pagmomove on hindi ba? Parang naranasan ko n

