KAELYNN's POV Tatlong araw na ang lumipas mula ng manirahan kami sa maliit na apartment na ito. Masaya naman kahit kaming dalawa lang at paminsan-minsan ay ako lang talaga mag-isa dahil pumapasok siya. Tapos ngayon may part time job pa siya sa umaga kaya balot na balot siyang lumalabas ng bahay. Nakahanap naman siya ng trabaho bilang waiter sa isang fast food chain sa mall. Lagi siyang may uwing fries sa'kin saka spaghetti tapos n'un matutulog siya ng mga apat na oras at saka naman papasok sa school. Sa school naman medyo okay na siya at ng mga kapatid niya, iyon lang 'yung way para magkita sila ni Daniel dahil bantay sarado si Daniel sa mga guard na ayaw siyang palapitin kay Dandan. Masyadong mahigpit si Sir Danilo, siguro pinapamukha niya sa anak niya na wala siyang magagawa kung hi

