KAELYNN's POV Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na si mama ngayon, tinutulungan niya kami magluto at mag-ayos ng bahay. Bumili kami ng kutsyon at cabinet na lalagyanan ng mga damit, sa apartment na ito dalawa ang kwarto, isang CR, maliit na sala at kusina, may beranda rin na sampayan ng mga damit at labahan. Kung susukatin mo siya parang kwarto lang ni Danrious lahat-lahat hahaha. Ang cute lang hindi kami mawawala dito. "Kamusta ka naman anak, hindi ba masakit ang katawan mo?" Umiling ako. "Minsan po parang ang bigat ng pakiramdam pero okay naman po," Tumingin siya sa tyan ko. "Ilang araw na ba 'yan?" Sa tutuosin dalawang linggo na ito pero ang bilis lumaki at mahahalata mo na agad sa damit ko. "Dalawang linggo po." tumango siya. "Nak pag may kailangan ka sabihin mo lang

