KAELYNN's POV Lahat kami tulala sa babaeng nasa harap namin, para kaming hinagisan ng bomba ng walang pasabi. Mga katotohanan na isa-isang naglalabasan, mga lihim na isa-isang na uungkat. Ano na lang ang mangyayari samin pagtapos ng lahat nang ito? "Ro-rose?" gulat na gulat pa Ring sabi ni Sir Danilo sa babaeng nasa harap niya at nakatingin lang sa kaniya. "Babawiin ko lang ang akin," sabi niya at mahigpit na binuhat si Sir Darenn. "Pero teka akala ko--" "Akala mo patay na ko?" Sumeryoso ang mukha nito at tinignan nang masama si Sir Danilo. "Pasensiya na Danilo, pero masamang d**o rin ako katulad mo." ngumiti ito at biglang lumapit sa'kin. "Tara na aalis na tayo sa impyernong 'to," na gulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin para sumama sa kaniya. Mabilis na inagaw ni D

