CHAPTER 43

2070 Words

KAELYNN's POV Naging maayos naman ang lahat ngayon araw, busy ang mga maids sa paghahanda at paglilinis ng bahay para sa pagdating ni Sir. Danilo bukas. Wala si ate Mila kaya medyo magulo at kahit gusto kong tumulong ay bantay sarado ako kay Danrious. "Oy! alam mo hindi tatakbo 'yang anak mo palabas ng tiyan ko." Na tawa na lang ako kasi seryoso siya na nakatingin sa'kin at sa tiyan ko. "Malay mo." lalo akong napatawa kasi seryoso talaga siya, medyo O.A na nga ang pagiging protective niya samin eh. Pero masaya pa rin ako dahil siya ang ama ng magiging anak ko, hindi pumasok sa isip ko na mabubuntis ako sa edad na bente at makakapangasawa ng isang poging bampira na medyo mainitin ang ulo at isip bata. "Ikaw anong tinitingin-tingin mo?" Tanong niya sa'kin kasi tinititigan ko rin siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD