DANRIOUS's POV Inayos ko mag-isa ang necktie ko, kailan ba mangyayari samin dalawa ‘yung scene kung saan aayusin niya ‘yung necktie ko o kaya naman eh huhubarin niya ‘yung polo ko. Tsk! sabagay siya si Runo. kung hindi mo pa pipilitin hindi gagawin at sa sitwasyon ko ngayon sobrang layo mangyari iyon dahil sa pinaglilihihan niya ko. Minsan na nga lang ako pansinin lalaitin pa ko at parang asiwang-asiwa sa mukha ko. Pero ayos na iyon kesa naman sa iba niya pa ipaglihi ang anak namin. Hindi ko na rin pinapapunta rito si Red at baka mamana pa ng anak ko sa kaniya ‘yung pulang buhok niya mahirap na. "Alis na ko," sabi ko sa kaniya at sinuot ang sapatos ko bago lumabas ng pinto. "Okay ingat," iyon lang ang sabi niya sa’kin at hindi inaalis ang mata sa TV. "Sarado mo maigi mga bintana at p

