KAELYNN's POV Tumunog ‘yung alarm ko at agad akong bumangon, nag unat-unat ako at tumayo na saka niligpit ang higaan ko. "7:30 am." ngumuso ako, medyo inaantok pa ko sa katunayan nga n'yan lagi na kong na tutulog, pag-alis pa lang ni Dandan natutulog na ko tapos pag-uwi niya sasabayan ko pa siya ng tulog. Lately malakas talaga akong matulog at medyo lagi akong nang lalambot at nang hihina, hindi kaya dahil lumalaki na siya? Tumingin ako sa salamin at tinignan ang bilog na bilog kong tyan, para na siyang three months kahit one month pa lang siya. Ganito pala kabilis lumaki ang mga bampira sa loob ng tyan ng mama nila? Pilit ako naglakad at umalalay sa pader papunta kusina. Ganito naman ako lagi eh, para akong nilalambot pagkagising ko pero pag nakakain na ko medyo okay-okay naman na ko.

