REBECCA Matapos kong maihanda ang lahat ng mga dadalhin ni Patrick at mga gamit ni Freen, tinawag ko na sila. Naninibago akong wala si Emily; hindi na rin kasi siya pinayagan ni Olivia na dito umuwi tuwing weekdays. Hinayaan na lang namin dahil bumabawi siya sa kanyang anak. "Babe, nasaan na ba si Patrick? Ma-late na siya sa school," sigaw ng hindi pa rin sila lumalabas sa kwarto. "Eto na, babe, huwag na magalit, para kang galit na aso diyan eh," natatawang saad nito ng palabas na sila ng aming anak. "Mommy!" agad na yakap sa akin ni Patrick. "Mommy, do I look pogi na?" saad nito habang nakatayo sa aking harapan. Ngumiti si Freen sa akin at kumindat. "Oo naman, anak, always pogi ka, mana ka kaya kay Mommy Freen mo," nakangiti kong haplos sa pisngi nito. Napangiti naman si Freen at h

