bc

A Love Beyond Pain

book_age18+
117
FOLLOW
1.7K
READ
love-triangle
contract marriage
HE
second chance
arranged marriage
single mother
billionairess
heir/heiress
drama
gxg
like
intro-logo
Blurb

"A Love Beyond Pain," Freen Sarocha, a successful l***q+ entrepreneur, is heartbroken after her former partner, Olivia, abandons her and their dreams. To shield her child from the gossip surrounding her single parenthood, she hires Rebecca Armstrong, a talented designer trapped in an arranged marriage. As they navigate their pretend relationship, Freen and Rebecca discover an unexpected bond that transcends their struggles.However, Olivia's toxic presence resurfaces, leading to devastating consequences that challenge their newfound love. With family secrets exposed and threats looming, Freen and Rebecca must confront their pasts and the darkness that threatens to tear them apart.As they fight for their love and the safety of their children, they learn the transformative power of forgiveness and acceptance. Years later, as their children grow, a journey to the Philippines brings healing and reconnection, proving that love can flourish even in the face of adversity. Will they find redemption and build the family they’ve always dreamed of, or will the shadows of the past forever haunt their future?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
REBECCA "Daddy, ayaw ko maging asawa ng taong 'yon!" sigaw ko sa aking ama, na ngayon ay galit na galit sa akin. "Sis, huwag mong sigawan si Daddy," pagpapakalma sa akin ni Kuya Richie. "Hindi! Kuya, may sarili din akong buhay at kahit kailan, hindi ninyo ako mapapasunod sa gusto ninyo. Hindi ako magpapakasal sa taong 'yon! Ayaw ko sa kanya, at ayaw ko rin sa mga plano ninyo para sa akin," pagmamatigas ko. "Stop it, Rebecca!" madagundong na sambit ni Daddy, alam kong galit na ito dahil sa pagtawag nito sa aking pangalan. "Becky, iha, please calm down," himas himas naman ni Mommy ang aking likod. Umatras ako at naluluha, tinignan silang lahat. "Please, Daddy, Mommy, gusto ko ding mamuhay sa paraang gusto ko. I have my own life. Ayaw ko ng mga plano ninyo para sa akin. Gusto ko ng kalayaan na pumili ng sariling landas ko," garagal ang boses kong nagsusumamo sa aking magulang. Ngunit, ang aking ama ay hindi pa rin nagpapatalo. "Rebecca, anak ko, alam ko na gusto mo ang kalayaan, pero kailangan mong isipin ang kinabukasan mo. Siya ang magbibigay ng seguridad sa iyo," sabi ni Daddy. "Hindi ko kailangan ng seguridad na galing sa isang taong hindi ko mahal. Gusto ko ng taong mahal ko at magmamahal sa akin nang lubos," sagot ko. "Sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal ka kay Nathaniel," maotoridad na sambit ni Daddy. Kita ko sa mata ni Kuya at Mommy ang pagsusumamo na pumayag na lang ako. Naiiling ako, tumalikod at padabog na isinara ang pinto ng aking kwarto. Ako si Rebecca Armstrong ang bunso sa pamilya. May kaya kami sa buhay, may maayos na negosyo. Maganda at masasabi kong perpekto base narin sa sinasabi ng iba. May katangkaran din ako na may 168 sentimetro.Tahimik ang aking buhay, ngunit nagbago ang lahat nang magdesisyon ang aking magulang na ipakasal ako sa taong hindi ko kailanman minahal. "Hindi naman ganito si Daddy, pero bakit biglaan na lang akong ipapakasal sa Nathaniel na yon? Na mukhang adik at hindi naliligo. Baka isang pitik ko lang sa kanya ay matutumba na sa sobrang kapayatan," naiinis kong saad sa aking sarili. Nakatulog ako sa kaiiyak, madilim na sa labas ng magising ako. Alas diyes na pala ng gabi, nakaramdam ako ng pagkagutom ngunit wala akong ganang kumain. Bumangon ako at nagbukas ng laptop. Nag-scroll ako sa Twitter at lumipat sa IG. Dumaan sa newsfeed ko ang isang link at nakasaad doon na naghahanap sila ng babaeng puwedeng i-hire na magiging asawa ng multi-billionaire. Hindi ko alam, pero may naisip ako. "Hmmm," napahawak ako sa aking baba ko at napangisi. Binasa ko ang nakapaloob na agreement. Matapos kong basahin, gumawa na agad ako ng resume at sinend sa link na nakalagay. "Gotcha!" saad ko matapos kong masend ang lahat ng hinihinging impormasyon. "Tignan lang natin kung mahahanap niyo pa ako kapag nagtago na ako sa bahay ng multi-billionaire na yon." Naitulog ko na lang ulit ang gutom ko. Kinaumagahan, may natanggap akong email. Ng buksan ko ito, laking gulat ko nang malaman na ako ang napiling maging hired wife ng bilyonaryong iyon. "Gwapo naman siguro siya, matangkad at may matipunong pangangatawan," bulong ko sa sarili. Parang naiimagine ko na ang itsura niya, kaya naman bahagya akong napangiti. Nawala sa isip ko ang sagutang naganap kagabi dahil naging busy ang utak ko sa bagong buhay na papasukin ko. "What?? Are you sure, Bebec?" tanong ni Irin sa akin ng magkita kami sa isang bar para mag-inom. "Oo, at bukas na ako mag-uumpisa. Kinita lang kita para kapag sakaling may masamang mangyari sa akin sa bahay na 'yun, alam mo kung kanino ako nagtatrabaho," sagot ko. "Are you insane? Mayaman naman kayo, hindi mo kailangan ang one hundred thousand na isasahod sayo sa pagiging hired wife mo. Baka pahirapan ka lang ng lalaking 'yun," may pag-aalalang sagot ng aking kaibigan. Nalakad ako paikot sa kanya at niyakap sa likod. "Bestie, basta mag-uupdate ako palagi kapag andun na ako. Atsaka, malay mo, mainlove ako doon," nakangusong sambit ko. Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya. "Teka nga, hindi ako makahinga. Makayakap ka naman parang pupunta ka ng Uranus, eh sa kabilang bayan lang naman yan ilang oras lang ang biyahe mula dito sa probinsya hanggang sa Cordon Isabela" nakairap na wika nito. "Tatlong oras," nakanguso kong tugon. Nag-usap kaming susunduin niya ako bukas para hindi makahalata ang mga maid. Wala si Dad at Kuya Richie bukas dahil mag-go-golf sila. Siguradong aalis si Mommy ng maaga para pumunta sa kanyang flowershop. Lasing na lasing na akong nagpasya kaming umuwi na. Mabuti na lang at hindi gaanong lasing si Irin, kaya siya ang umaalalay sa akin. "Ambigat mo, Bec! Ano ba yan!" reklamo nito habang nakaakbay ako sa kanya at nakahawak naman siya sa aking bewang para maalalayan. Nakaramdam ako ng pagkahilo at pagkasuka, kaya naman nabitawan ako ng aking kaibigan at napasubsub ako sa halamanan sa labas ng bar. "Hey guys, are you okay?" tinig ng isang babae. "Ayaw kong maikasal sa payatot na yon, hindi ako papayag," sambit ko habang pinupunasan ako ni Irin. Naramdaman ko na lang na dalawa na ang umaakbay sa akin, at hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari. Nagising akong nasa kwarto na ako. Kaya't maalala kong ngayon ang unang araw ko bilang hired wife, mabilisan akong kumilos. Alam kong wala ng tao sa loob ng bahay sa oras na ito. Konti lang ang dinala ko para hindi masyadong makahalata ang mga tao. Pagdating ko sa sala ay nagulat akong naroon si Nathaniel. Ang lalaking nais ipakasal ng aking magulang. "Hi baby, saan ka pupunta? Bakit may dala kang bag?" kunot noo nitong tanong. "Mind your own business, Nat. Ano nanaman ba ginagawa mo dito? Aalis ako at mag-a-unwind, kaya huwag mong stresin ang utak ko," pagsusungit kong sambit. "Syempre, dinadalaw ang future wife ko," sabay dila nito sa kanyang labi at kindat. "Kadiri. Akala mo ikinagwapo niya," inis kong bulong. "Saan ka ba gagala? Gusto mo samahan na kita para may taga-buhat ng gamit mo?" presko nitong sambit. "Will you please stay away? Hindi kita kailangan, at hindi mo ako magiging asawa dahil hindi mangyayari iyon," asik ko at mabilis ko itong tinalikuran. "Hindi mo matatakasan ang nakatadhana, baby girl. Magiging akin ka na, haha!" sigaw nito habang tumatawa na parang demonyo. Agad akong sumakay sa kotse ni Irin na nakaparada sa labas ng gate. "Hay, late na ako at ang sakit pa ng ulo ko. Teka, paano tayo nakauwi kagabi?" tanong ko sa aking kaibigan. "May isang magandang babae na tumulong sa akin na isakay ka sa kotse, ang bigat-bigat mo," reklamo niya. Mula San Leonardo ay binagtas namin ang daan patungong Diffun, narating na namin ang building na aming pupuntahan. "Bestie, dito na ang agency. Papasok na ako sa loob, sila na daw ang bahalang maghahatid sa akin doon," nakangiti kong binalingan si Irin na may pangamba sa mukha. "Basta, bestie, mag-update kaagad kung anong kalagayan mo doon," tugon niya. Matapos mag-yakapan, pumasok na ako sa loob ng building at hinanap ang opisina ng Wife Corporation. Agad din akong inihatid sa bahay ng bilyonaryo na nasa kalapit bayan. "Ma'am, good luck. Pang-pito ka na naming inihatid dito at walang nagtatagal, sana magtagal ka diyan," sabi ng driver ng kotse. Napakagat ako ng labi habang palabas ako ng kotse at tuluyang pumasok sa loob ng malapalasyong bahay. Malaki naman ang bahay namin, pero mas malaki pa ito. Nakatingala ako sa malaking bahay ng bigla akong tawagin isang ginang na may maputing buhok. "Anong ginagawa mo diyan, ineng? Kanina ka pa niya hinihintay," madaling salubong sa akin ni Mrs. White. Napansin ko ang isang babae nakahalukipkip sa veranda, nakatingin sa amin ng may sama ng tingin, tila gustong makipagsabunutan. "Hay naku, halika na," hila sa akin ni Mrs. White. Makapasok kami sa loob, pinaupo ako ng matanda at ipinagtimpla ng juice. "Nasaan po siya?" tanong ko ng makabalik si Mrs. White. Akma nang sumagot siya nang may marinig na yapak pababa ng hagdan; napatingin kami ng sabay. Napakagandang babae, nakasuot ng business suit na itim. "Ilang oras mo akong pinaghihintay. Akala ko ba kailangan mo ng trabaho?" Nakahalukipkip nitong wika, matalim ang matang nakatitig sa akin. "So-sorry, Ma'am, natagalan kase ako sa opisi—" "At kasalanan ko na natagalan ka? Miss, alam mo bang na-cancel na ang meeting ko dahil sa kahihintay sayo?" Malditang sagot nito, putol sa aking pagsasalita. Pero bigla akong nainis sa inasta nito. Sino ba tong babae at ganito ako tratuhin? "Kung ayaw mo ng sorry ko, edi wag!" Pagsusungit ko din na sagot. Biglang napanganga ang mga maid na nakarinig, tila hindi makapaniwala sa aking nasabi. "Your fired!" Agad nitong sagot na nagpataranta sa mga taong nasa paligid; nagsipulasan na umalis at nagtrabaho. "Agad? Hindi pa nga ako nag-umpisa. At asan ba si Sir, asan yung magiging asawa ko?" tanong ko, pinanliitan ko ng mata. "Eh, Ma'am Rebecca, si Ma'am Freen ang naghire sayo," sagot ni Mrs. White, nakakalaki ng mata ko. "What? Isang babae ang magiging asawa ko? OMG, no! Okay, magba-back out na ako, ayaw ko sa tomboy," agad kong kinuha ang aking maleta at akma nang lalabas. "Hindi ako tomboy, isa akong bisexual," inis nitong sagot. "Same padin yun, tomboy dahil babae ang inaasawa mo," irap ko, tutuloy na sana ako. "Pag-isipan mo, makasal sa lalaking payatot na 'yon o maging hired wife ko ng tatlong buwan," seryoso nitong tanong, unti-unting napalingon ako sa kanyang kinatatayuan. "Paano mo nalaman?" kunot-noo kong tanong. Humalukipkip ito at nakataas ang kilay, nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napapayag sa gusto nito. Nakita ko na lang ang sarili kong nasa loob na ako ng kwarto kung saan ang kwarto niya. "Huwag kang mag-alala, hindi kita sisipingan," kalmado nitong sambit, kaya nanlaki ulit ang mata ko sa sinabi. "Sa kabilang kwarto, naroon ang ating anak," dugtong nito, nagpa-awang ng aking labi. "Anak? Wala sa agreement na mag-aalaga ako ng bata," reklamo ko. "At dapat nanny ang hinanap, hindi wife. Babae ka naman, eh, di mo kailangan ng asawang babae," dagdag ko. "Will you please shut up! Naririndi na ako sa bunganga mo," naiinis nitong sambit at padabog na lumabas ng kwarto. Napahilamos na lang ako ng mukha habang nakaupo sa kama. "Hay, Rebeccaaaa! Ano 'tong pinasok mo! Naging instant mommy pa nga!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.8K
bc

NINONG

read
393.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

NINONG II

read
651.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook