Chapter 2

1441 Words
REBECCA "Hanggang ngayon, hindi ko parin makapaniwala sa pinasok kong sitwasyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, pero ang mahalaga lang sa ngayon ay nakatakas ako sa aking pamilya. Pero hindi ko talaga maiwasang mainis kapag naiisip ko ang babaeng masungit na makakasama ko sa loob ng tatlong buwan." "Kainis naman," Napalingon ako sa gawi ng pinto ng bumukas ito. Bumungad ang masupladang babae, hindi ko maikakailang ang ganda nito,magkasingtangkad lang kami, may mahaba at bagsak na buhok dagdag pa ang malakandila nitong daliri bihira akong humanga sa physical appearance isang babae pero ang isang ito ay tila hinihigop nito ang aking attention. "Mag-uusap tayo. Kailangan maging malinaw sa iyo kung ano ang magiging papel mo sa bahay na ito," seryoso nitong wika, habang nakahalukipkip. "Sinabi sa kontrata na si Freen Sarocha ang paglilingkuran ko at magiging asawa ko. Kasalanan mo ito, eh. Bakit hindi mo nilinaw sa documents na isa kang babae?" irap kong tugon. "Kaya nga pag-uusapan natin para maging maayos na ang lahat. Hindi mo ba ako naiintindihan, Ms. Armstrong?" masungit naman nitong sagot. "Aalis na ako, nagbago na ang isip ko." Akmang tatayo ako ng hinawakan niya ako sa braso at pinaupo ulit sa kama. "Pag-usapan natin 'to, okay?" mahinahon nitong wika, ngunit kita ko ang pagpipigil nito ng inis. "Pag-usapan n'yo ng mukha mo!" inis kong tugon at inirapan siya. Kung kamalditahan lang din ang labanan, hindi ako magpapatalo. "Pwede ba kumalma ka muna? Okay, sorry na kung nasungitan kita kanina. Paano naman kasi, ang tagal-tagal mong dumating," kalamado niyang saad at umupo sa aking tabi. Okay na sana ang paghingi niya ng sorry, pero dinugdungan pa niya. "Ganyan ka ba magsorry? Wala man lang sinseridad," tinaasan ko ito ng kilay. "Ano pa bang gusto mong pagsosorry ang gawin ko?" eto nanaman, at naiinis nanaman siya. Naudlot ang aming bangayan ng biglang may narinig kaming iyak mula sa kabilang kwarto. Kaya mabilis na tinungo ni Sungit kung saan nanggagaling ang iyak. Sinundan ko si Miss Sungit at pagkabukas ko ng pintuan, nakita kong karga-karga na niya ang sanggol at ipinaghehele nito, ngunit ayaw padin tumigil sa pag-iyak. "A-anong nangyari?" tanong ko, ngunit sinamaan lang ako ng tingin ni Miss Sungit. "Kanina pa ito umiiyak, ayaw magtigil," bawi ni Misis White. Naalala ko noong minsang pumasyal kami sa isang kamag-anak namin na may baby. Sabi niya, kapag iyak ng iyak, baka nagugutom o kaya basa ang diaper, o may sakit. "Mi-Miss Sungit, baka gutom padedin mo," medyo malakas kong pagkakasabi dahil masyado ng malakas ang iyak ng baby. "Kanina pa namin pinapadede iha, ayaw niya yung dede niya," ani ni Misis White. "Yang gatas mo, Miss Sungit, baka yan ang gusto niya," wala sa isip kong sambit. Halos sabay silang napalingon sa akin. "Ako? De-dede ko?" pinanlakihan ako ng mata, atsaka tumango ako. "Sira ka ba? Walang gatas to," pagmamaldita nito. "Paano magkakagatas yan, eh ang liit," bulong ko, pero hindi ko inakalang narinig niya ito. Inirapan niya ako, kaya hindi ko na lang pinansin. Hinawakan ko ang noo ng bata at naramdaman kong mainit. "Hindi kaya nilalagnat siya?" mahinahon ko ng sambit. Bahagyang dinampi-dampian nito ang noo, pisngi ng anak. "Aling Rosie, paki-sabi sa driver, ihanda ang kotse," agad na hinablot nito ang blanket ng baby at ibinalot iyon sa anak. Hawak ng isang kamay ang anak, at ang isa ay bigla na lang akong hinablot sa palapulsuan, dahilan para magulat ako. "Ano ba, bitiwan mo nga ako!" asik ko dito. "Sumama ka," mabilis niya akong hinila papasok sa kotse, kaya wala na akong magawa. Ilang minuto lang ay narating namin ang pagamutan. "Miss Sarocha, napasugod kayo," ngiting bungad ng isang babaeng sa tantya ko ay isang doktor, dahil sa suot nito. Kilala pala dito ang babaeng ito. "Doc, kanina pa kase iyak ng iyak ang baby namin," nag-aalalang wika nito. Nakita ko ang pagmamahal niya sa kanyang baby. Napaisip nanaman ako, bakit kaya siya iniwan ng asawa? Babae ba ang asawa niya o lalaki? "Mamaya konti, pwede niyo na siyang ilabas. Hindi naman masyadong mataas ang lagnat ni baby Emily. Ganyan talaga kapag bagong vaccine," pagpapaliwanag ng doktor. "Kumusta pala ang panganganak mo? Hindi ka ba nahirapan?" baling sa akin ng doktor. Nanlaki ang mata ko sa tinuran nito. "A-ako po? A-eh..." napalunok ako at napatingin kay Miss Sungit. "Normal delivery siya, Doc. Kaya pasalamat talaga kami sa kapatid mo na siyang palaging nag-aasist sa aming dalawa," sagot ni Miss Sungit. "Mabuti kung ganon. Ngayon ko lang kase nakita tong Misis mo, pero naikwento na ng kapatid ko. Tama ngang maganda nga siya," matamis ang ngiting saad nito. Matipid na lang din akong ngumiti. "Kailangan niyang ng buong atensyon nyo at pangangalaga. Mas maigi pa sana kung ibreastfeed mo siya, Misis," baling ng doktor sa akin. Namula ako dahil sa sinabi ng doktor. "Walang gatas ang dede niya, Doc. Kaya sa bottle dumedede si baby," seryosong singit ni Miss Sungit. "Try mong e-massage. Tulungan mo siya, Miss Freen. Kase may ganong instance o kaya ikaw ang unang dumede. Baka barado lang ang nipol niya," seryosong suhesyon ng doktor. Napalunok ako ng sunod-sunod dahil sa sinabi ng doktor. Ibig sabihin, dito sa hospital na ito nanganak ang asawa ng babaeng ito. "Sige po, Doc, susubukan ko mamaya," wika ni Miss Sungit, sabay lingon sa akin. Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko dahil sa pinag-uusapan nila. "Mamaya ka lang," nang gagaliiti kong sambit sa aking isipan. "Ma'am, eto na po ang baby niyo," abot sa akin ng nurse. Banayad kong kinuha si baby sa bisig ng nurse. "Let's go," bahagya pa akong hinawakan sa bewang, dahilan para makaramdam akong ng kakaibang kaba. Bakit ako kinabahan sa paghawak niya sa akin? Ng makalabas na kami ng hospital ay agad ko itong inirapan. "Kunin mo na tong anak mo," saad ko. "Hindi ako marunong maghawak ng bata." "Ano? Bakit mo pinauwi si Manang? Hindi ka pala marunong magbuhat ng bata," inis kong tugon, habang mabilis na sinundan ito, pero maingat akong naglakad dahil karga ko ang baby. Pinagbuksan ako ng kotse at pinauna akong umupo. Inirapan ko ito ng makapasok. "What, Rebecca? Hindi ka ba napapagod?" kunot noo niya akong tinignan. "What?? Wat wat mo mukha mo!" napipikon kong wika. "Ayaw ko na kaya pag-uwi natin, babalik na ako sa amin. Hindi ko kayang mag-alaga ng bata," dugtong ko. Nasobrahan ata kami ng ingay sa sasakyan, kaya biglang umiyak si baby. Agad ko naman itong ipinaghele. "Sshh, tahan na, baby. Ang mommy mo kase ang sungit-sungit. Huwag mong gagayahin paglaki mo, ha?" sambit ko, at parang ngumiti pa nga ang baby. "Huwag mong e-brainwash ang anak ko," wika nito habang nakatingin sa bintana ng kotse. "Hindi pala ikaw ang nagbuntis kay baby Emily?" mahina kong tanong, sapat na para marinig niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Umm, artificial insemination sa babaeng mahal ko. Ngunit pagkasilang niya kay baby, bigla siyang umalis at sumama sa ex niyang lesbian," seryosong saad nito, pero aninag ko ang sakit na dumaan sa kanyang mata. "Baka kaya siya umalis dahil hindi mo siya kayang tratuhin ng tama," taas kilay kong saad. Kumunot ang noo nito at sinamaan ako ng tingin. Pagdating namin sa bahay, dalawang babaeng may edad na ang sumalubong sa amin. "Freen, iha," sabay yakap niya sa dalawa. "Ma, lola, napaaga ata ang uwi niyo. Akala ko ba 3 months pa kayo sa Thailand?" tila kinakabahan nitong saad. "Gusto na kase naming makita ang aming apo," sabay lapit sa akin at hinawakan si baby at tumingin sa akin. "Siya na ba ang asawa mo, anak?" tanong ng Mama nito. Nakaramdam ako ng kaba. "Oo, Ma. Pasensya na kung secret wedding lang ang naganap. Alam niyo naman na may mga taong hindi pa tanggap ang sexuality ko," wika nito, sabay hapit sa aking bewang, na lalong nagpadagdag sa aking kaba. "He-Hello po, Tita, Lola," bati ko sa kanila. "Abay, bakit Tita? Dapat Mama na din ang itawag mo sa akin, iha," nakangiti niya, hinaplos sa braso ko. "Si-sige po, Mama," hays, salamat, naitawid din. Ng maihatid namin sa kwarto si baby, hinila niya ako papunta sa kabilang kwarto. "Hays, okay, please. Kahit tatlong buwan lang, hanggat hindi ko pa nahahanap si Olivia, dito ka muna. Be my wife and mother of Emily. Hindi ko inaasahan ang pagdating nila Mama. Akala ko tatlo o apat na buwan pa nila sa Thailand," seryoso at may pasusumamo sa mata nito. Nakaramdam ako ng awa. "Okay, pero huwag mo ulit akong susungitan. May paglalagyan ka talaga," irap kong tugon. Napasuklay na lang siya sa bagsak nitong buhok at nagpipigil ng inis na tumingin sa akin. "Okay, fine," sagot na lang nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD