REBECCA
Pagsapit ng gabi, nauna na akong umakyat sa kwarto kung saan dinala ang aking maleta. Maayos na naka-hanger ang mga damit ko sa loob ng dressing room.
Naisipan kong magbabad muna sa bathtub para marelax ang aking katawan mula sa stress ngayong araw. Unang araw ko palang, parang hindi ko na kayang pakisamahan ng matagal ang kumag na yon.
Bigla akong napadilat mula sa pagkakapikit habang nakasandal sa loob ng tub ng biglang bumukas ang salamin na pinto ng banyo.
"Plano mo bang dito matulog?" walang emosyong tanong ni Sungit.
"Hindi ka ba marunong kumatok? Bastos mo din, noh? Alam mong andito ako sa loob," pagtataray ko dito.
"Hindi maririnig ang katok o anong ingay dito. Kaya kahit magsisigaw ako sa labas, hindi mo ako maririnig. Atsaka, ilang oras ka na dito, pwede bang bilisan mo naman?" may diin nitong wika, sabay ng pagbaba ng tingin nito. Buti na lang at puno ng bula ang bathtub.
Dahil sa inis, ako ay bigla akong tumayo at tinungo ang shower na nasa gilid nito. Narinig ko ang mahina nitong pag-singhap.
Kung sa akin, wala akong pakialam, kahit makita pa niya ang kabuuan ko, dibale, pareho naman kaming babae.
Parang na-statwa ito, kanyang kinatatayuan. Halata ang pagkabigla nito sa aking ginawa.
"The bathroom is yours," irap ko sa kanya ng maisuot ko na ang aking bathrobe at mabilis ko itong tinalikuran.
Ilang minuto pa ay lumabas na din ito, suot ang kanyang pantulog, at umupo sa kabilang dulo ng kama.
"Dito ka din ba matutulog?" tanong ko sa kanya na naiinis padin ang boses.
"Oo, malamang. Saan ako matutulog sa labas? Diba bilin ng Doctor na e-massage kita?" ngisi nito, dahilan para mapayakap ako sa aking sarili.
"Sira ba tuktok mo, Sungit? Hindi naman ako ang nanay ng anak mo, eh. Atsaka walang gatas to," irap ko sa kanya.
Kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa ito nakabulagta.
"As if naman malaki," bulong nito at nahiga na sa kabilang dulo ng kama. Nakatalikod ito sa akin.
"Siya nga pala," wika nito atsaka humarap sa akin na nakatagilid, kaya nilingon ko ito.
"Ano nanaman?" taas kilay kong tanong.
"Kailangan nating magpanggap na sweet sa harapan nila, Mama at Lola. Baka maghinala sila kung nakita nilang para tayong asot puso," wika nito habang yakap ang isang malaking unan.
"At stop calling me Sungit o Maldita. Call me Babe o just call my name, Freen. Sweet padin naman yon," dugtong nito.
"Seryoso ka? Ano naman ang alam mo sa pagiging sweet, eh? Noong nagsaboy ata ng kamalditahan sa mundo, sinalo mo na lahat," sarkasmo kong sagot.
"Baka mahulog ka kapag ako naging sweet sayo," ngisi nito. Akala naman niya ginanda niya, mukha tuloy siyang aso sa ngiti niya.
"Kahit pa kasintamis ka pa ng asukal, hindi ako mahuhulog sayo," irap ko dito atsaka tinaasan ng kilay.
"Tignan natin," saad nito atsaka tumalikod sa pagkakahiga.
"Pfftt," gigil kong kinuyom ang aking kamao dahil sa pagkainis.
Nagising ako ng alas sais ng maramdaman kong may parang mainit na na bumubuga sa aking bandang noo. Unti-unti kong iminulat ang aking mata ng makita ko ang aking sariling nakayakap sa aking katabi at nakasiksik ang aking ulo sa pagitan ng kanyang leeg.
Napaatras agad ako. "Ba-bakit ka nakayakap!?" pagsusungit ko para hindi mapansin ang pag-iinit ng aking mukha.
"Nakita mo naman, diba? Hindi ako ang nakayakap sayo, ikaw ang yumakap sa akin. Hindi nga ako makabangon dahil hindi ko matanggal ang pagkakalingkis mo sa akin," taas kilay naman nitong sagot.
"Akala ko ba ayaw mong makatabi ako, pero kung makayakap ka naman, eh wagas," ngisi nito.
"Hays," tangi kong sambit at mabilis na tinungo ang banyo.
Paglabas ko, wala na ito sa kama, kaya nagpasya na din akong bumaba.
Dumiretso ako sa kusina at nakita kong naroon na ang Lola nito.
"Good morning, Babe, halika, ipinagtimpla kita ng coffee," malambing ang boses nitong sambit, kaya naman napalingon ako, baka may ibang tao pa sa aking likuran.
"Becca, halika na," muling tawag nito. So, ako pala ang tinawag niyang Babe. Tong kumag na 'to, parang di kami nag-away, eh kung makapaglambing.
Ngumiti akong lumapit para hindi makahalata ang lola nito.
"Magandang umaga po," bati ko sa matanda. Binati din ako, nagulat ako ng hilahin ako ni Sungit sa kamay at pinaupo sa tabi nitong upuan. Nilagyan niya ng bacon at bread ang aking plato.
Tahimik lang ako, nag salita si Lola.
"Gusto ko maikasal kayo ulit, yung hindi lihim, para malaman ng iba na kasal na ang aking apo at may anak na kayo. Para naman worth it ang ipinaglaban ni Freen na relasyon niyo," baling sa akin ng Lola nito, dahilan para makaramdam ako ng kaba.
Anak ng letsugas! Umilis ako sa bahay para hindi maikasal sa lalaking payatot na yon, tapos ikakasal ako sa isang babae? Rebeccaaa, ano ba naman tong kapalaran mo sa buhay?
"Babe, okay ka lang," wika ni Freen habang hawak ang aking kamay na nakapatong sa mesa.
"Ah, eh, o-oo, be-babe, hehe," ngiting asong tugon ko.
"Don't worry, Lola, paplanuhin namin ang wedding, basta masiguro ko na ang kalusugan ni baby Emily, diba Babe?" sabay tingin nito sa akin, kaya tumango na lang ako.
Ng bitawan niya ang aking kamay, banayad ko itong ibinaba at dumiretso sa kanyang tagiliran at manipis ko itong kinurot.
"Ouch," matinis ang boses nitong sambit. "Bakit, anong nangyari?" tila nag-aalalang tanong ng matanda.
"Wala po, Lola, na-cramps kase likod ko," pilit na ngiti nito sa matanda.
"Ipamasahe mo yan sa asawa mo, baka ngalay lang yan," wika ng matanda habang busy ang mata sa hawak nitong newspaper.
Napalunok na lang ako sa sinabi ng matanda.
Matapos ang breakfast, hinila niya ako paakyat ng kwarto.
"Papatayin mo ba ako?" singhal nito ng maisara niya ang pintuan.
"Kurot lang yung Miss Sarocha, walang namamatay sa isang kurot," nakairap kong tugon.
"Alam mo, nagtitimpi na lang ako sayo. Gusto mo bang ireklamo kita sa agency dahil sa ginagawa mo!" naiinis at matalim ang matang titig sa akin.
"Edi, go, samahan pa kita," atsaka ako humalukipkip.
"Argghhh, damn you!" kuyom nito ang kanyang palad.
"Damn you din! Hindi mo naman ako ininform na kailangan ko palang umarte sa harapan ng pamilya mo. Edi sana nag-workshop muna ako," taas kilay kong baling sa kanya.
"Atsaka naniniwala ba silang ako ang tunay na ina ng anak mo? Kita mo naman ang katawan ko, halata bang naglabas ako ng bata?" naiinis at napipikon kong dugtong.
"Ngayon lang to, promise. Kapag bumalik na si Olivia, ibibigay ko na sayo yung 100k na bayad ko at hindi na kita kukulitin kahit kailan. Pwede ka ng lumayas at hindi na kita pakikialaman," mahinahon niyang tugon.
"May sakit si Lola at ayaw kong madisappoint si Mama sa akin," dugtong nito.
Napabuntong hininga ako.
"I'll stay, not for you but for baby Emily, at para sa Lola mo. Baka ako pa ang dahilan ng pagkaatake niya kung ipipilit kong sabihin natin ang totoo," sabi ko.
"Salamat," wika nito, at kita ko ang biglang pag-iba ng ekspresyon ng mukha. Biglang sumilay ang tuwa.
Hindi ko alam kung tama bang ipagpatuloy ko, pero siguro paraan na din ito para hindi ako mahanap nila Daddy at ng Nathaniel na yon. Alam kong ipinapahanap na ako ngayon ng mga tauhan ng payatot na yon, pero hindi maari. Ayaw kong maglahian ng isang adik.