REBECCA
Mabilis na lumipas ang isang buwan, nakasanayan ko na din ang mga gawain ko sa pag-aalaga kay baby. Buti na lang at sa gabi lang kami nagkikita ni Freen, naiiwasan ang bangayan.
Dahil naboboring ako, sumama ako kay Manang Rosie para mamimili ng mga gamit sa bahay. Hindi ko na siya tinawag pa na Misis White dahil pinagalitan ako ni Freen.
Hawak ko ang tatlong pack ng diaper at pinagpatong-patong ko ito, atsaka ko binuhat para sana dalhin sa basket.
"Miss, baka nakita mo tong babaeng to? May nakakita daw sa kanya sa labas dito, daw pumasok," dinig kong tanong ng isang lalaki mula sa isang saleslady.
"Ano pong name niya, sir?" balik tanong nito.
"Rebecca Armstrong, isang buwan na kase siyang nawawala, at ipinapahanap siya ng kanyang magulang," pagkarinig ko ay bigla akong kinabahan. Alam kong tauhan yun ni payatot.
Hindi yon titigil sa paghahanap sa akin. Obsess na obsess sa akin yung taong yun, at alam kong gagawin niya ang lahat para lang makuha ako.
Pasimple akong naglakad, at bahagya kong itinaas ang hawak kong diaper para matakpan ang aking mukha.
Pagkababa ko ay agad akong dumampot ng gunting na nakadisplay, at mabilis na tinakbo ang CR ng department store.
"Ma'am, yang gunting po?" wika ng saleslady.
"Ibabalik ko din, Miss, saglit lang to," mabilis kong sagot, at tumakbo papasok sa CR.
Ginupit ko ang mahaba kong buhok at nilagyan ko ng bangs. Bahala na ang mahalaga, hindi ako makilala ng mga taong yon. Dibale, hawak na ni Manang Rosie ang credit card ni Freen, kaya siya na lang ang magbabayad.
Lumabas ako ng CR at may mga napapangiwi sa aking itsura.
"Haha, Mommy, she looks like Dora, oh!" ani ng bata, sabay turo sa akin.
"Hehe, yes, baby, ako si Dora, at ikaw naman si Boots," nakangisi kong sambit. Ngunit ng lumabi ang bata, tila naiiyak na, dahil ayaw ata niyang maging kamukha ung unggoy na kaibigan ni Dora. Kaya agad akong umalis. Kapag akong binully, kahit bata ka pa, papatulan kita, taas kilay kong nilakad papunta sa parking lot.
"Naku, saan ka ba nagpupunta?" tanong ni Manang Rosie, na nakafocus sa resibo ng mga napamili.
"Na-nagpasalon lang po ako, saglit," sagot ko, dahilan para mapaangat ito ng tingin.
"Hay naku, susmaryosep, Ma'am! Anong ginawa mo sa buhok mo? Bakit naman hindi pantay ang pagkakagupit? Yang bangs mo, naku, magagalit si Freen niyan," nalaki ang mata ni Manang Rosie, at hindi alam kung hahawakan ako o ano.
"EEhh, Manang, bagong haircut ngayon to. Ito yung tinatawag nilang micro bangs. Kaya sinubukan ko, mukhang okay naman, bagay naman sa akin, diba?" nakangiti kong tugon.
"Naku, ewan ko na lang. Baka hindi matuwa si Ma'am Freen sa bago mong haircut. Hindi naman ganyan ang micro bangs, eh. Bakit may mahaba, may sobrang iksi?" naiiling na lang nitong sagot.
Pagdating namin ng bahay, naroon na si Freen, maaga na siyang umuuwi ngayon, na ipinagtataka din ni Manang Rosie.
"Andito na ang kotse ni Ma'am, simula dumating ka sa buhay niya, mukhang napapaaga na siya ng uwi. Dati inaabot pa yan ng madaling araw sa opisina," wika nito habang ibinababa ang mga pinamalengke.
Akmang sasagot ako, ng maramdaman kong may nakatayo sa aking likuran.
"Oh, hi Freen, you're here," nakangiti kong bati.
"Anong ginawa mo sa buhok mo?" kunot noo nitong tanong, kaya napahawak ako sa aking buhok at bahagya itong hinawi.
"Bagay, diba?" saad ko, sabay ikot at peace sign.
"Hindi mo bagay, mukha kang nasiraan ng tuktok," wika nito at tumalikod papasok ng bahay, habang nakapamulsa ang kamay nito.
Siguro kararating lang niya, dahil naka-slacks padin ito at nakasuot ng white polo na bahagyang nakatupi hanggang siko. Ang seksi niya tuloy, tignan sa porma niyang naglalakad, habang nakapaloob ang kamay sa bulsa.
Pagpasok ko sa loob, halata sa mata nito na tila gustong matawa, habang nakatitig sa akin, pero bahagya nitong kinagat ang labi.
Manang Rosie, pakitawagan si Nam, pasabi kunin niya ang mga gamit niya sa salon. Utos nito, habang nakatitig sa akin.
"Anong nangyari, sayong bata ka!" nagmamadaling lumapit sa akin si Lola at hinawakan ang aking buhok. Mabuti na lang ang matanda lang ang narito, dahil busy ang Mama ni Freen sa bagong negosyo nila sa kabilang bayan.
"Eh, Lola, uso po ngayon ito, bagong haircut po ngayon sa internet. Bagay naman sa akin, dipo ba? Maganda padin ako," nahihiya kong tugon.
"Parang dinaanan lang ng grasscutter eh," natatawa nitong sambit habang hawak-hawak padin ang aking buhok.
"Ano ba kase pumasok sa kukote mo at nagpagupit ka ng ganyan?" dina na itago pa ni Freen ang mahina nitong pagtawa. Inirapan ko na lang ito.
Kasalanan ng payatot na yun eh, kung hindi ko sana nakita ang mga tauhan niya, edi hindi ko sana ginawa to, nasira tuloy ang ganda ko.
Ilang sandali pa ay dumating na ang kaibigan nito. Pagkakita sa akin ay humagalpak ito ng tawa.
"Halla, sino gumupit sayo? Pwde nating siyang kasuhan," natatawang nakapamewang bungad nito.
"Eh, microbangs kase ang tawag dito, pero..." napangiwi na lang ako.
"Pero? Mukang naging damo ang buhok dahil sa hindi maayos na pagkakagupit," maarte nitong sambit.
Nameet ko na si Nam noong nakaraang linggo, di na din ako naninibago sa galawan nito. Nahihiya ako, pero wala na akong magagawa, narito na eh, na-gupit ko na. Maging ako ay napatawa ng makita ko ang itsura ko sa salamin.
Matapos ma-trim ni Nam ang aking buhok, umalis din ito dahil may lakad daw kasama ang mga kaibigan.
"Next time, kung gusto mo magpasalon, sabihan mo ako at sasamahan kita," saad ni Freen habang naka-sandal ito sa headboard ng kama at nakatitig sa akin.
Kasalukuyan akong nagpapapatuyo ng buhok at nakatalikod ako sa kanya, pero kita ko sa salamin na sa akin siya nakatingin.
"Nag-leave ako sa trabaho, pupunta tayo sa resort bukas, tatlong araw natin doon," muling saad nito ng hindi niya ako mahintay na sumagot.
"Okay," tanging sagot ko.
Nahiga na din ako ng matuyo na ang buhok ko, pinapakiramdaman ko siya kung tulog na, mukhang hindi pa naman dahil paminsan-minsan itong gumagalaw kahit nakatalikod sa akin.
"Ahmm, tulog ka na?" mahina kong sambit.
"Hmm, bakit?" sagot nito at tumihaya sa pagkakahiga.
"Bakit nga pala iniwan ni Olivia si baby Emily?"
"Sumama siya sa iba, sa taong sabi niyang makakaintindi sa kanya at hindi pa daw siya handa para sa responsibilidad," ani nito habang nilalaro niya ang kanyang daliri at pinaglalagutok ito.
Tumingin ako sa kanya. "Umaasa ka pa ba sa kanya na babalik siya?"
"Oo, at hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya para kapag nakabalik na siya ay magiging malaya ka na," mahina nitong tugon.
"Mahal mo pa ba siya?" lakas loob kong tanong.
"Siguro, oo, ewan, hindi ko alam." Sakit ng aking puso. "Ouch, ako na ang dakilang instant wife s***h instant Mommy s***h instant pantapal."
Tumalikod ako sa kanya para hindi niya ako mahalata. Bakit ako nasasaktan? Anong meron? Eh, ano naman kung mahal pa niya yung Olivia na yon, ano'ng pakialam ko?
"Matutulog ka na?" Gumalaw ako, tanda na gising pa ako.
"Siya nga pala, bakit mo alam na ipapakasal ako sa payatot na yun?" pang-iiba ko ng usapan. Tumihaya ako at tumitig sa kisame. Maging siya ay ganun din, malayo ang pagitan namin, baka kasya pa ang tatlong tao sa gitna namin dahil sa luwang ng kama.
"Ako ang tumulong sa kaibigan mo para maisakay ka sa kotse noong gabing lasing na lasing ka," seryoso nitong sagot, dahilan para mapaupo ako at mapasandal sa headboard ng kama.
Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi nito. "Umiiyak ka, at sinisigaw mong ayaw mong maikasal sa kanya," pagpapatuloy nito.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot, namimiss ko na sila Mommy.
"Okay ka lang ba?"
"____"
"Pwede kang magkwento, makikinig ako," muling saad nito. Mabait naman pala tong kumag na to.
"Bigla na lang nagbago si Dad, ay nagpasyang ipakasal ako kay Nathaniel Tui sa hindi ko malamang dahilan. Ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko naman kilala, at lalong hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal. Kaya tumakas ako sa bahay, at ngayon, pinapahanap na nila ako, nagkalat ang mga tauhan nila." Malungkot kong kwento sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita para hindi ka na ipakasal ng Dad mo sa taong yon," nakangiti nitong saad at tumingin na din sa akin.
"Paano?" Kunot noong tingin ko sa kanya.
"Totohanin natin ang kasal, magpakasal tayo," sagot nito.
Bumangon ako at binato ko siya ng unan.
"Buang ka ba? Kung lalaki ka lang sana, edi papatusin na kita. Kaso, babae ka eh," irap ko dito.
"Ouch naman, binibigyan lang naman kita ng option: Marry me or marry that payatot na sinasabi mo," natatawang sagot nito. "Think about it."
Ngumisi pa ito atsaka tuluyang tumalikod.
"Haist, akala ko naman matutulungan talaga ako," naiinis akong nagtalukbong ng kumot.