REBECCA
"Bakit naman ganyan yang suot mo?" Salubong ang kilay nitong nakatayo sa pintuan.
"Bakit? Okay naman ah, black bikini," sabay umikot pa ako sa body mirror.
Narito na kami ngayon sa beach resort kung saan pagmamay-ari din ng mga Sarocha. Plano naming maligo kasama sila Mama at ilang mga maids nila sa bahay.
Binibigyan nila ng panahon na makapag-relax ang kanilang mga kasama sa bahay, na isa sa mga hinangaan ko sa kanya, hindi siya mapagmataas.
"Anong okay diyan? Konting hawi lang kita na pearly shell sa dagat, atsaka mapagkakamalan kang di nanganak sa ganyang suot mo. Magpalit ka," ani nito.
"Eh, totoo naman ah, hindi naman ako nanganganak pa," taas kilay kong tugon.
"Becca, yan ka nanaman sa walang katapusang kuda. Pwede magpalit ka na lang, parang hindi ka paghinalaan nila, Lola," naiinis nito sagot at padabog na lumabas ng kwarto.
"Oo nga naman," bulong ko na lang sa aking sarili. Kumuha na lang ako ng sexy shorts, at iyon ang aking isinuot.
May bahay bakasyonan sila, kaya hindi na nakakailang na kumilos dahil pribado at medyo malalayo sa bawat villa.
Paglabas ko, nakakasiyahan na ang lahat. Maganda ang tubig at malinaw.
"Ma'am Becca, halika ka na dito," kaway ng mga kasama namin sa bahay. Nakikipag-tawanan din sa kanila si Freen. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya simula pumasok ako sa buhay nila. Ang ganda niya pala talaga, nakakasilaw sa mga mata.
"Alam mo, ngayon lang nag-relax yang si Ma'am Freen. Subsob yan sa trabaho, pero ngayon, mukhang maganda ang epekto ng pagdating mo sa buhay niya," tapik ni Manang Rosie sa aking balikat. "Parang nagbago na siya simula nung dumating ka, mas naging masayahin at nagpapatawa."
"Anong itinatayo mo diyan, babe? Halika na," Hindi ko namalayang nakalapit na si Freen sa amin. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kabog sa aking dibdib ng hawakan niya ako sa kamay at hilain papunta sa tubig. Nakakatawa siya habang hinahamon ako na sumabay sa kanya.
Nagsabuyan kami ng tubig, nglunuran, at naghabulan. Naging masaya ang unang araw namin sa resort. Nakakatuwa ring makita na ang mga kasama namin sa bahay ay nagpapakita ng masayang mga mukha.
Nagpaalam lang ako saglit para sana magbanyo ng may makasalubong akong babae na parang pamilyar. Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita, pero parang nakita ko na siya.
Dinaanan ko lang ito at tinungo ang banyo para umihi. Pagbalik ko, nakita kong kausap na ni Freen ang babae.
"Oo, naalala ko na, siya ang mommy ni Baby," parang sinundot ng kirot ang aking puso ng makita ko silang nag-uusap. Nahanap na pala niya, ibig bang sabihin, tapos na din ang tungkulin ko sa pamilyang ito.
Nawalan na ako ng ganang bumalik, kaya pumasok na lang ako sa loob ng bahay at nagbihis. Matapos ay naupo ako sa veranda, kung saan tanaw ang ganda ng dagat, nakakarelax ang malamig na ihip ng hangin. Nakakapag-isip ng mabuti dito.
Parang nasasakal ang puso ko kapag naiisip ko ang mga susunod na mangyayari. Parang hindi ko ito napaghandaan. Nayakap ako sa aking sarili ng humangin, pero naramdaman ko ang mainit na yakap mula sa aking likod.
"Babe, anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap," mahina nitong tanong, na may halong pag-aalala sa kanyang boses.
Parang mas sanay akong nag-aaway lang kami kaysa ganito kasweet tong kumag na to. Nakakatuwa at nakakakilig.
"Nakaramdam na kase ako ng ginaw, kaya hindi na ako nakabalik," pagdadahilan ko, na may halong pag-iwas sa kanyang tanaw.
Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang aking kamay. "Halika, kakain na tayo. Nagpaluto ako ng ibat-ibang klase ng seafoods," hila niya ako, kaya napasunod na lang.
"Ang tagal niyo, nauna na kaming kumain," bungad ng mama nito sa amin, na may halong pagtatawa.
Hinila niya ang upuan at iginiya akong paupuin bago niya hinila ang upuan na nasa tabi ko at dito umupo. Nakangiti lang ito habang pinagsisilbihan ako.
Akala ko sa lalaki lang pwedeng kiligin. Pero ano to? Halla, kinikilig ba ako sa kanya?
Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi sa tuwing susubuan niya ako.
"Masarap ang mga seafood dito dahil fresh na niluluto. Eto, babe, tikman mo ang giant crabs nila dito," sabi nito, na tila may halong pagmamahal sa kanyang mga mata, pagmamahal?
Heart, kalma ka lang, hindi niya dapat mahalata ang pagkabog-kabog mo diyan, saway ko sa aking puso.
Nakakasilaw ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Parang gusto ko na siyang mahalin.
Ngumanga ako atsaka ko kinagat ang isinubo nito, pero nakagat ko pati ang kanyang daliri.
"Ouch!" napalingon ang lahat ng marinig ang pag-aray ni Freen.
Nagpeace sign ako. "Akala ko crabs, daliri pala," natatawang biro.
"Ikaw ha, may galit ka pa ba sa akin, may balak ka pang putulan ako ng daliri?" pabiro din niya tugon.
Hinawakan ko ang kamay nito at bahagyang dinampian ng halik at hinipan ng hangin.
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito.
"Nako, lalanggamin tayo dito sa sobrang katamisan ng dalawang to," pagbibiro naman ni Manang Rosie.
Nagtawanan na lang ang lahat dahil sa sinabi nito. Maging si baby ay parang nakikitawa na din.
Kaya lalo kaming natawa dahil sa tawa ni baby.
Nagsitungo na ang lahat sa kani-kani lang kwarto ng sumapit na ang gabi, paniguradong bagsak ang katawan dahil sa pagod.
Kinuha naman ni Mama baby kasama ang yaya, kaya kami lang ni Freen dito sa kwarto.
Hindi ko alam bakit ganito na ang nararamdaman ko sa kanya. Simula nakita kong magkausap sila ng Olivia na yun, bigla akong nakaramdam ng selos.
"Halla, nagseselos ako? Pwde ba yon? Hindi naman siguro, baka nalulungkot lang ako dahil matatapos na ang papel ko sa buhay nila," pangugumbinsi ko sa aking sarili, habang naglalakad papunta sa aming kwarto.
Nauna na siyang pumasok dahil magbibihis pa ito.
Nakaramdam ako ng kaba habang papasok sa kwarto.
Binuksan ko na lang ang pinto at nagulat ng makita ko ang saktong pagbagsak ng towel na nakapulupot sa katawan ni Freen.
"Ay! Hindi ko nakita!" wika ko at nakatakip ang aking kamay sa aking mata.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" kunot noo niya akong binalingan ng makapagbihis na ito.
"Hindi ko naman nakita ang maputi mong maliit na bundok eh," takip mata kong tugon.
"Hindi mo nga nakita, pero alam mong maputi na maliit," irap nito, ibaba ko na ang pagkakatakip sa aking mata.
"Bat kase diyan ka nagbihis, may banyo naman?" reklamo ko sa kanya.
Bumuntong hininga ito. "Nasira ung ilaw sa banyo."
Dito ay di malaki ang kama, kaya paniguradong magkakadikit kami sa pagtulog. Nauna na akong nahiga, at naramdaman ko ang paghiga niya sa aking tabi.
"Napag-isipan mo na ba ang offer ko sayo?" tanong niya.
"Anong offer?" kunot noo kong baling, hindi ko alam na nakatagilid pala paharap sa akin, kaya sa paglingon ko, mukha niya ang tumambad. Biglang nanuyo ang aking lalamunan, kaya napalunok na lang ako.
Nagkatitigan kami, at hindi nanaman mapakali ang aking puso. Pakiramdam ko ang lakas ng pagtibok nito.
Kaya pumikit na lang ako habang nakaharap sa kanya.
"Marry me, for real," seryoso nitong saad, habang titig na titig pa din sa akin.
Nagulat ako ng bigla niyang haplusin ang aking mukha, kaya bahagya kong idinilat ang isa kong mata. Nakita ko ang pagngiti nito, kaya pumikit ulit ako.
"Pag-iisipan ko," matipid kong sagot.
Ng marinig ko ang kanyang daliri na hinaplos ang aking labi, kasunod nun ang isang malambot na bagay na dumapi sa aking labi, kaya napadilat ako, nanlaki ang aking mata ng makitang magkadikit na ang aming mga labi.
Bahagya pa niya itong sinipsip bago binitiwan. Ngumisi ito matapos akong halika.
"Yes lang ang tinatanggap kong sagot, kaya wag ka na mag-isip," Hindi na ako nakasagot dahil sa pagkabigla.
"Goodnight, babe," at tuluyan na siyang pumikit.
Hindi padin ako makakilos sa sobrang pagkabigla, saglit lang yon, pero tila kinilig ang buo kong kalamnan.
"Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari," naisip ko.
"Magnanakaw," naiinis kong talikod sa kanya.
Nag-iisip ako kung bakit niya sinabi yun, at kung bakit niya ginawa yun.