REBECCA
Nagising akong wala na si Freen sa tabi ko, kaya lumabas na din ako ng kwarto at tinungo ang kwarto ni Baby Emily. Narinig ko ang palahaw niya.
Pagbukas ko ng pinto, natatarantang nagtitimpla ng gatas si Yaya. "Good morning, Ma'am Becca," ngiti niya ng makita akong pumasok.
"Good morning, Yaya. Pinuyat ka ba ni Baby?" tanong ko habang kinukuha ang bata sa kuna niya at pinahiga ko sa aking bisig.
"Shh, tahan na, Baby. Nagtitimpla na ng gatas si Yaya. Wag na mag-cry ha," humina ang pag-iyak niya at titig na titig sa akin.
"Mahimbing tulog niya kagabi, Ma'am. Kaya hindi kami napuyat," sabi ni Yaya.
"Nag-breakfast ka na ba?" baling ko sa kanya.
"Hindi pa po, Ma'am," magalang nitong sagot.
"Sige na, kumain ka muna. Ilalabas ko si Baby mamaya, after niya dumede, para maarawan naman."
Matapos dumede ang bata, nakatitig pa rin sa akin.
"Bakit ka naman ganyan makatitig sa Mommy Becca mo, Baby? Hmm, baka matunaw ako niyan ha?" nag-bebaby talk kong kausap.
Bahagya tumawa ito at inabot ang aking labi.
"Wag kong sabihing nanakawan mo din ako ng halik," at pabiro kong pinalakihan ng mata, dahilan para humagikgik ito.
Natatawa na din ako dahil sa reaksyon niya.
Napalingon ako ng biglang sumara ang pinto. Sino ang lumabas kanina? Lumabas si Yaya o baka may sumilip lang?
Tumayo at bahagyang isinasayaw-sayaw ang bata habang nakasandal siya sa aking dibdib at nakaharap kami sa bintana, tanaw ang malawak na dagat.
Bumukas ulit ang pinto at iniluwa nito ang nakangiting si Freen na may dalang pagkain.
Inirapan ko ito at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.
"Oh, ano nanaman ang kasalanan ko? Kaaga-aga namang pang-iirap 'yan. Wala pang good morning diyan," wika ni Freen habang ibinababa ang hawak na tray sa mesa.
Lumapit ito sa amin at niyakap kami mula sa likod.
"Bakit ganon? Pakiramdam ko buong buo ako. Parang nakabuo ako ng isang pamilya."
"Anong pinagsusungit ng babe ko?" idinantay niya ang baba niya sa aking balikat at ramdam ko ang mainit nitong hininga sa pagitan ng aking leeg.
"Paano nagnanakaw ka ng halik?" nakabusangot kong sagot.
"Hmm, so need ko pa bang magpaalam, diba? Mag-asawa tayo dito."
"Wala sa kontrata na pwede mo akong halikan."
"Frist kiss ko 'yon, tapos ninakaw mo lang." Alam mo bang first kiss ko 'yon?
Lalong akong bumusangot, na ikinatawa niya.
"Gusto mo bang ulitin ko 'yung mas dama?" bahagya pa niyang kinintilan ng halik sa aking leeg, dahilan para magtayuan ang aking buhok sa katawan.
"Freen, ano ba? Mahulog ko si Baby!" inis kong tinapunan ng tingin at bahagyang lumayo sa kanya dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman kong kiliti.
Hinawakan niya ako sa braso at iginiya sa upuan, tsaka kinuha ang plato na may lamang pagkain.
"Mamaya na pagbalik ni Yaya. Kaya kong kumain mag-isa," saad ko ng subuan ako.
"Please, open your mouth? Or I will feed you using my mouth?" nang-aasar itong ngumiti.
"Freen! Nakakainis ka na. Bat ba gustong-gusto mo ako asarin?" matalim ko itong tinitigan,at bigla nitong hinawakan ang kanyang dibdib at umarteng parang nasaksak.Kaya napatawa nalang ako
"Sakit naman, sumaksak yang mata mo." Hawak pa rin ang dibdib.
"Ang cute mo kase, asarin," sabay kindat pa niya.
Inirapan ko siya lalo. "Buang."
"Kain na kase," pagsusumamo ng mata niya.
Wala na akong nagawa kundi ngumanga at kainin ang isinusubo niya.
Bahagya pa niyang hinihapan bago isubo dahil medyo mainit pa.
Ang sweet niya, nasa kanya na ang pagiging ideal partner sa buhay.
Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong nararamdaman ko. Gustong-gusto ko kapag pinagsisilbihan niya ako. Sadyang pakipot lang ako para hindi naman halatang uhaw ako sa attention niya.
Pagdating ni Yaya, kinuha na niya si Baby. Sakto namang matapos akong pakainin ni Freen.
Ito ang ikalawang araw namin dito sa resort, at mamayang gabi ang celebration para sa ika-6 months old ni Baby Emily.
Abala na ang lahat sa preparation; may binayaran siyang mga tao para mag-set up sa lahat ng mga kailangan mamaya.
"Ang ganda ng dagat, lalo't ahon na ang araw," nakangiti nitong sambit habang naglalakad kami sa gilid, hawak niya ang aking kamay.
"Oo, maganda, pero mang-i-iwan din 'yan pagsapit ng gabi," sarkasmo kong tugon.
Ramdam ko ang pagpisil niya sa aking kamay at binasa niya ang ibaba ng labi bago nagsalita.
Huminto ito sa paglalakad at humarap sa akin. "It reminds us of a new beginning," ngumiti ito, pero parang may nais siyang iparating mula sa kanyang mata.
Seryoso pa rin itong nakatitig sa akin, dahilan para mag-rambulan nanaman ang aking mga laman loob.
"Becca, marry me at magsisimula tayong muli. Hindi bilang hired wife kundi bilang totoo kong asawa."
Nagpakurap-kurap ako sa narinig.
Inilabas niya ang singsing at lumuhod sa aking harapan. "Will you be my wife?" Tila nangingilid ang luha niya.
Sa totoo lang, hindi ko na din alam kung ano ang totoo kong nararamdaman. Kinikilig ako, masaya ako kapag kasama ko siya.
Akala ko talaga sa lalaki ko lang ito mararamdaman, ngunit ngayon, ramdam ko sa babaeng nakaluhod ngayon sa aking harapan at may hawak na singsing.
Iniabot ko ang aking kamay at ngumiti. "Yes," matipid kong sagot.
Hindi ko na bibigyan ng chansa si Olivia na makuha ang babaeng gusto ko.
"Ta-talaga? Tayo na for real? Magpapakasal ka sa akin?" paninigurado.
Hinila ko ang kamay at tumalikod sa kanya, paalis.
"Wait, Babe naman, nililinaw ko lang baka kase iniisahan mo lang ako," saad niya at nakayakap na sa akin mula sa likod.
"Umoo na nga ako, dami mo pa kaseng sinasabi," kumalas ako sa kanya, hinarap habang nakahalukipkip.
Bahagya ko itong tinaasan ng kilay, pero tumawa ito ng mahina.
"Ang liit-liit mo, pero lagi kang palaban," pang-aasar nanaman niya.
Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang singsing sa aking daliri. Kakaibang saya ang aking nararamdaman.
Pagsapit ng gabi, nag-simula na ang party para kay Baby.
Tumayo si Freen at kinuha ang mikropono.
Ngayon lang ako na-attract ng ganito sa isang babae; ang ganda-ganda niya.
Madami na akong nakahalubilong magaganda sa mga party ng mga kasosyo ni Dad, pero hindi ako nakaramdam ng ganito.
Sadyang may isang babae talaga magpapabaliko sa tuwid mong pagkatao. Naiiling na lang ako habang nakatanaw kay Freen, na tila hindi alam ang gagawin sa mga nararamdaman niya.
"Nais ko lang magpasalamat sa inyong pagdalo para sa ikaanim na buwan ni Emily," simula ni Freen, "at kukunin ko na din ang pagkakataong ito para ipakilala ang aking asawa."
Tumingin siya sa akin, at tumayo ako, palapit sana sa kanya. Ngunit may isang babaeng malaki ang ngiting pumunta sa harap.
Ng mapagtanto ko kung sino, napaatras ako. Maging si Freen ay hindi makapagsalita, at gulat na gulat ang reaksyon nito.
Kinuha ni Olivia ang microphone at nagsalita ito.
"Hello everyone, ako nga pala si Olivia Smith, ang mommy ni Emily at ang magiging asawa ni Freen," nakangiti nitong pag-announce.
Napalunok ako ng sunod sa narinig. Ang sakit at pagkagulat ay ramdam ko. Nangilid ang luha ko na tila gusto kong magpalamon sa kinatatayuan ko.
"Olivia, what are you doing?!" galit na saad ni Freen sa kanya.
Naramdaman ko ang paghawak ni Manang Rosie sa akin, dahil pakiramdam ko ay nanlalambot na ang aking tuhod, at anytime pwede na akong mapaupo sa sahig.
"Aalis na ba ako at hindi na eeksena pa para magkaroon ng buong pamilya si baby?" tanong ng aking isipan.
Ang ilan ay nakatingin sa akin, kaya yumuko ako para maitago ang sakit na aking nararamdaman.
"Manang aalis nalang muna siguro ako, nakakahiya baka makaistorbo pa ako " garagal kong saad kay Manang Rosie.
Halos manginig ang aking tuhod dahil sa kabang nararamdaman.
Pinigilan ko ang pagbuhos ng aking luha.
"Huwag kang aalis Rebecca, mahal ka ni Freen at hindi niya hahayaang umalis" wika nito.
Napabuga ako ng hangin at muling napatangin sa kanila, habang pigil ko ang sakit sa aking dibdib.