Chapter 7

1427 Words
REBECCA "Freen, andito na ako, babalik na ako sa inyo ni baby," garagal na boses ni Olivia. Ngayon ko lang siya matitigan ng malapitan, maganda siya, sexy at makinis ang balat. Bumaling ang tingin sa akin ni Freen, halata ang pag-aalala. Kaya bigla siyang lumayo sa babae at lumapit sa akin. "No, wala ka ng babalikan pa, Olivia," naiiling na tugon ni Freen. Ginagap niya ang aking palad at idinaop iyon sa kanyang palad. "Ba-bakit? Dahil ba diyan sa babaeng yan?" duro niya sa akin. Nakita ko ang panliliit ng mata ni Freen at tinampal niya ang kamay ni Olivia. "Huwag mong basta ipinagduduro si Becca, dahil kahit hindi siya ang tunay na ina ni Emily, nagpakaina siya, eh ikaw?" Masamang tinitigan siya ni Freen at humigpit ang hawak niya sa aking kamay. "Ipagpapalit mo ako sa ilang buwan mo lang nakilala? Hindi mo nga alam kung anong background ng babaeng yan." "Baka mamaya magnanakaw pa yan, o kaya bayaran na babae at..." Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at isang malakas na sampal ang itinapal ko sa pagmumukha niya. Nanlilisik ang aking matang tumingin sa kanya. "Sino ka para husgahan mo ako ng ganyan?" galit kong sugod sa kanya. "Ako lang naman ang fiancee ni Freen, at nangako siya sa akin na magpapakasal kami pagkatapos ko manganak." "EH ikaw, ano ka sa buhay ni Freen?" Tinaasan ko siya ng kilay at mahina akong tumawa. "Huwag mong susubukan kung gaano katuso ang bunsong Armstrong." Bulong ko sa aking sarili. Nagagalaiti akong humakbang para makalapit ng konti sa kanya. Kaya nabitiwan ako ni Freen. "Here," ngumisi ako. Tinaasan ko siya ng kilay habang nakataas ang aking kamay. Pinakita ang nakasuot na engagement ring sa aking daliri. "Sa akin lang naman niya tutuparin yung ipinangako niyang kasal sayo," at muli akong ngumisi. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mata. Akmang sasampalin niya ako, kaya napapikit ako. Ngunit walang dumampi sa aking pisngi. Pagdilat ko ay hawak na ni Freen ang kanyang braso. Hinila niya ako papunta sa kanyang likuran. Kaya mas lalo ko siyang nginisian. Dahilan para magwala ito sa pagkakahawak ni Freen sa kanya. "Hindi kita kailangan, Olivia," sabi ni Freen. "The day you left, yun na din yung araw na pinatunayan mong hindi ka karapat-dapat na pakasalan at maging ina ni Emily." "Oo, Freen, parang awa mo na, bigyan mo ako ng chance para mapatunayan sayo na handa na akong maging ina ni baby," nangangatal ang labi ni Olivia. "Natakot ako dahil akala ko hindi ko kakayanin ang responsibilidad." "Hi-hinanap ko lang ang sarili ko." Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Ngunit wala akong magagawa. "Selfish na kung selfish, hindi ko kayang mawala si Freen at baby." "Do not ruin my granddaughter's celebration, get out of here!" galit ang boses ni Lola. Napahigpit ang hawak ko kay Freen ng makita ang galit na mukha ng kanyang Lola. "Grandma, mabuti at narito ka, ako po si Olivia, ang tunay na ina ni Emily." Akmang hahawakan sana niya ang matanda. Ngunit sumensyas ito na tumigil. "Dont ever try to touch me," sabi ni Lola. Dahilan para mapaatras muli si Olivia. Parang alam ko na kung saan nagmana sa kamalditahan si Freen. Kuhang-kuha niya sa ugali ng Lola. Na ngayon ko lang napansin. "Wala akong kakampi sa ngayon, pero babalik ako at babawiin ko sa inyo si Emily!" Iyak na sigaw nito. "Grandma, sisiguruhin kong kakampi ka din sa akin kapag nalaman mo ang buong katotohanan," baling nito sa matanda. Naglakad si Olivia at ng makatapat sa amin ni Freen, huminto ito at pinalis ang kanyang luha gamit ang kanyang kamay. "Hindi pa tayo tapos, Freen. Babalik ka sa akin, magiging masaya tayo muli." Bahagya pa niyang hinaplos ang pisngi ni Freen. At saka ako sinamaan ng tingin bago tuluyang umalis. "Pfft, buang." Nawalan na ako ng ganang makihalubilo pa sa mga bisita dahil sa nangyari. Kaya minabuti ko na pumasok sa loob at pinuntahan si baby sa kanyang kwarto. "Yaya, lumabas ka na muna, makijoin ka sa mga palaro nila sa labas. Ako na bahala kay baby." Ani ko habang busy ang kanyang mata pagbabasa ng magazine dahil tulog naman ang bata. "Okay ka lang ba, Ma'am?" tila napansin nito ang matamlay kong awra. "Oo, ayos lang yaya, sige na ako na magbabantay." Pilit ngiti kong tugon. Pagkaalis niya ay nilapitan ko si baby sa kanyang kuna. "Anak, mahal na mahal ka ni Mommy Becca. Lagi mo sanang tandaan yan." Naiiyak kong saad habang nakatitig sa maamong mukha ni Emily. "Alam kong wala akong karapatan sayo, anak." At tuluyan na ngang bumuhos ang aking luha. Parang hindi ko kakayanin na mawalay sa kanya lalot napamahal na siya sa akin. Naramdaman ko na may humawak sa aking braso at hinila ako palayo sa kuna ni baby. Napatingin ako, si Freen pala. "Becca, okay ka lang?" tanong niya. "Hindi mawawala si baby. Gagawin ko ang lahat para mapunta sa atin ang custody ng bata," saad ni Freen. Hawak-hawak niya ang aking pisngi at pinupunasan ang tumutulo kong luha gamit ang kanyang daliri. "Mahal na mahal ko kayong dalawa ni baby. Hindi ko alam kung paano magsisimula kung sakali mang bumalik kayo kay Olivia." Niyakap niya ako ng mahigpit, ramdam ko ang ibinibigay nitong assurance na hindi sila mawawala sa akin. Hindi na din kami nagkaroon ng oras para magkausap-usap kagabi dahil sa sobrang pagod. Ngayon narito kami sa sala at tahimik na nag-aantay ng sasabihin ni Lola at Mama ni Freen. "Bakit kayo nagsinungaling?" Nakakatakot ang seryosong mukha ng matanda. Hindi ako makatingin ng diretso sa matanda kaya nakayuko lamang ako. "Grandma, it's all my fault... Ako ang nag-umpisa ng kasinungalingan na ito." "Walang kinalaman si Becca sa mga nangyari. I just hired her as my wife habang hindi ko pa nakikita si Olivia." "Ngunit noong makita kong napaka-hands-on niya kay Emily, tumigil na ako sa paghahanap sa tunay na ina ng bata." "Dahil napupunan na ni Becca ang lahat ng pagmamahal at pag-aalaga para sa anak ko." "At simula palang gusto ko na siya." Napaisip ako sa sinabi niyang simula palang gusto na niya ako. Ibig bang sabihin simula sa encounter namin sa labas ng mga bar noong panahong lasing na lasing ako? Kinilig nanaman ako sa kalagitnaan ng pagco-confess niya sa grandma niya. Mas nanaig pa ata yung kilig kaysa takot ko sa matanda. "Buang din ang puso ko, seryoso ng usapan tapos biglang kikiligin." "Ayusin mo ang problema sa pagitan niyo ni Olivia," seryosong saad ni Lola. "Hindi ako papayag na siya ang mag-alaga sa bata, kung nagawa niyang iwan noong bagong panganak, ito maaring maulit pa iyon kapag nagkataon." Tumalikod si Lola. "Intindihin niyo ang lola niyo, ayaw lang niyang may nililihim sa kanya, lilipas din ang galit nun," nakangiting saad ni Mama sa amin. Nagpaalam muna akong lalabas at maglalakad-lakad para makalanghap ng sariwang hangin. Huling araw na namin ngayon, bukas babalik na kami sa bahay. Hindi ko namalayang medyo lumayo na pala ako, kaya muli akong naglakad pabalik at magpasyang maupo na lang sa bench na nasa harap ng bahay. "Hindi maaraw ngayon, makulimlim ang langit, kaya magandang maglalakad-lakad." "Hey baby, kumusta ka na? Dito lang pala kita makikita," nagitla ako sa lalaking biglang umakbay sa akin. Agad ko siyang itinulak palayo. "Anong ginagawa mo dito?!" gulat na gulat ang reaksyon kong nakakita sa kanya. Gulat at takot, yun ang aking nararamdaman. "Susunduin ko lang ang future wife ko," nakangisi nitong tugon, sabay hithit ng sigarilyo at ibinuga sa aking mukha, dahilan para mapaubo ako. "Ano ba, Nathaniel? Asik ko dito!" "Magpaalam ka na sa baby girl mo, ipagpapalit mo na nga ako sa babae pa at may anak," nangungutyang tingin niya sa akin. "Bukas ng gabi, hihintayin kita labas ng Mansion ni Sarocha. Hindi pa kita kukunin sa ngayon, sige, mag-enjoy ka muna sa ngayon at magpaalam ng maayos kung hindi ka darating, negosyo ng pamilya mo ang kapalit," sabay abot niya sa isang newspaper bago ako tuluyang iniwan. Binuklat ko ito at binasa, umatras halos lahat ng mga investors ng Armstrong corporation, at tanging naiwan ay ang pamilya ni Nathaniel. Napalunok ako. So, kapag hindi ako magpapakasal sa kanya, ibig bang sabihin, aatras din sila? Nanlumo ako sa nabasa at sa tumatakbong senaryo sa utak ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naghalo halo na ang aking iniisip. Kaya napaupo nalang ako sa buhanginan at hinayaang lumandas ang luha sa aking mata habang tinitignan si Nathaniel na palayo at may pasipol sipol pa ito. Kailangan ko ba talagang mamili, ang pamilya ko o ang taong bumuo ng pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD