Chapter 8

1373 Words
REBECCA Inayos ko mun ng sarili ko bago ako naglakad palayo s dalampasigan. Pagbalik ko ng bahay, itinago ko sa loob ng aking maleta ang newspaper na hawak ko. "Babe, anong ginagawa mo diyan?" nagulat ako dahil sa biglang pagsasalita ni Freen. Agad kong tinakpan ang newspaper na hawak ko. "Ahm, Babe, inaayos ko lang mga gamit natin para hindi na marush nanaman bukas. Baka may maiwan pag puro nanaman madalian sa paggagayak," kunwari kong tinutupi ang mga damit sa maleta. Tinaasan niya ako ng kilay habang nakatitig sa akin. "May problema ba?" haplos nito sa aking pisngi. Ngumiti ako, "Wala naman, babe. Gusto ko lang mag thank you kase nakilala kita. You made me realize na sa larangan ng pag-ibig, pantay-pantay lahat - wala sa estado ng buhay at wala din sa kasarian." Idinantay ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat. Nagitla ako ng hapitin niya ako sa bewang. "Alam mo bang ang tagal-tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, ang maging akin ka for real?" "Alam mo, noong bata pa ako, mahilig akong manood ng mga fairytale. Yung mga prinsesang ikinakasal sa mga prince charming nila." "Pero noong makilala kita, doon ko napatunayan na hindi lahat ng princess ay nangangailangan ng prince para magtanggol sa kanila." "From the first day that our heart beat for each other, I know that we are destined." Parang ako ang kinilig sa aking pinagsasabi. Isang tunay na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Freen. Nagkatitigan kami at nakita ko ang pagblush niya. Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kanyang kamay, kaya natawa ako. "Wow, speechless," bulalas niya, kaya mahina kong pinalo ang balikat niya. Wala akong ibang gusto sa oras na ito kundi ang makasama siya buong araw, magpakalunod sa yakap niya, at damhin ang pagmamahalan naming dalawa. "I love you," bulong ko sa kanya, dahilan para lalo siyang mamula. Nakakatuwa naman siyang kiligin, pati dugo niya kinikilig. Natawa ako sa isip-isip ko. "I love you so much," at kinintilan ako ng halik sa labi na ikinagulat ko. Gusto kong magwala ang puso ko dahil sa sayang nararamdaman. Kinalimutan ko muna ang eksena kanina sa labas. Ayaw kong masira ang araw na ito dahil sa Nathaniel at Olivia yun. Hinayaan kong maging malaya sa nararamdaman kong pagmamahal sa babaeng kaharap ko ngayon. Lumabas kami at tinungo ang ilang mga tourist spot na narito sa resort. May mga nabebenta ng mga t-shirt at ibat-ibang pasalubong. Bumili ako ng keychain na itsurang pagong, isasabit ko bukas sa kotse ni Freen. "Babe," napalingon ako dahil bigla siyang nawala sa aking tabi. Iginala ko ang aking mata ngunit hindi ko siya makita. Naglakad ako patungo sa mga nagtitinda ng figurine. May nag-abot ng bulaklak sa akin. Napalingon ako. "For you, babe," tamis ng ngiting inabot niya. "Aww, thank you, babe, ang ganda naman ng red tulips na ito." "You know what is the meaning of red tulips?" Hindi parin nawawala ang ngiti niya habang nakahawak sa aking bewang. "Hmm, ano nga ba ibig sabihin nito?" "Red tulips meaning include eternal love, undying love, perfect love, true love, just like red roses... pero gusto kong maging unique. Lahat kase, karamihan, puro nalang roses. Kaya kapag makakita ka ng tulip, sana ako ang maalala mo," sabay pisil niya sa baba ko. Yumakap ako sa bewang niya at masaya kaming namasyal. At nang mapagod na kami sa lakad, dahil madilim na din, ay nagpasya na kaming umuwi. Nasa kanilang kwarto na ang lahat; maaga kase ang byahe namin bukas. Kumain na din kami sa labas kanina, kaya dumiretso na kami sa kwarto. Ang saya-saya ko... Tinanggal ko ang petals ng tulip at iniligpit ko ito sa libro kong dala. "Anong gagawin mo sa mga petals niya?" Kunot noo niyang tanong ng makita ang aking ginawa. Nagpapatuyo na siya ng buhok. Ipapa-frame ko ang "matipid kong ngiti." At ako'y tumayo at tinungo na din ang banyo para makaligo. Matapos kong mablower ang aking buhok, tumabi na din ako. Hindi na ako nakakaramdam ng pagkailang simula noong mag-yes ako sa proposal niya, totohanin namin ang kasal. Yumakap ako sa kanya at isiniksik ko ang aking mukha sa pagitan ng leeg niya. Akala ko tulog na, pero gumalaw ito at niyakap ako, dahilan para mapaigtad ako. "Ang tagal mong maligo, kanina pa kita hinihintay," bulong nito at ako'y tinitigan. Sarado na ang ilaw, at tanging ang lampshade na lamang ang nagsisilbing liwanag sa loob ng kwarto. Hindi ako sumagot, bagkus lalo kong isiniksik ang aking mukha, ramdam ko ang malakas nitong paghinga, ang pagkabog ng dibdib niya. Parehas kami ng nararamdaman, ang lakas pala makakabog ng puso kapag kayakap mo ang taong mahal mo. Naramdaman ko ang paghaplos ng kanyang kamay sa aking likod at bahagyang pagmasahe niya. "Babe," napadilat ako ng aking mata dahil sa ginawa niya. "I can't control my feelings, I want you," bulong nito at siniil na ako ng halik. Nagpaubaya ako sa gusto niyang mangyari, mas magandang sa taong mahal ko ibigay kaysa sa taong pilit lang akong ipapakasal. "Uhm, Freen..." I uttered her name with full of pleasure. Her hand made its way to the middle of my legs. "Babe, you're w..." Hindi ko na ito pinagsalita dahil alam kong mahihiya ako sa sasabihin niya, kaya siniil ko siya ng halik. She managed to tease me while toying with my body. Parang naging wonderland ang aking katawan dahil sa pag-e-explore niya. She really knows what she's doing. Bawat galaw niya ay nagbibigay ng arousal sa akin. She pounded me deeper and deeper, my body is literally bouncing up and down with her every move until I made my release with her one deep and final push. I moaned in pleasure. "Uuhm, Be... babe..." "I love you so much," bulong nito. She kissed my forehead, and we closed our eyes to sleep. Kinaumagahan, para akong binugbog at masakit ang aking katawan, lalo na sa aking pagitan. Pero napangiti ako ng makita kong himbing na himbing sa tulog si Freen habang payapang nakayakap sa akin. Yumakap ako, at gumalaw ito. Niyakap niya ng mas mahigpit, parang ayaw niya akong pakawalan. "My heart aches, mamimiss kita ng sobra, pero pangako, babalikan ko kayo kapag naayos ko na ang problema," sambit ko sa aking isip habang malayang nakatitig sa kanyang mukha. "Sana, kapag pwede na, pwede pa." Mahimbing pa din ang tulog niya, kaya nagpasya akong lumabas na ng kwarto para tumulong sa paghahanda ng almusal. Maaga pa naman, alas nuebe kami aalis pauwi. Dahan-dahan akong bumangon at kinintilan ng mahinang halik sa kanyang noo. Paglabas ko, nakita kong nakaupo si Grandma sa sala. Nakaramdam ako ng takot, takot na baka hindi na niya ako gusto para kay Freen. "Magandang umaga po, Lola," bati ko. Seryoso itong tumingin sa akin. May dinukot ito sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin. Isang check na may nakasulat na limang milyon. "Bakit po ito?" nagtataka kong tanong habang nakatitig sa hawak kong tseke. Bukas, ayaw na kitang makita sa pamamahay ni Freen. "Sabihin mo kung kulang pa 'yan, dadagdagan ko. Lumayo ka lang sa buhay namin." Para akong nabingi sa sinabi ni Grandma. "Lola, hindi ko kailangan ng pera. Hindi po kayang tumbasan ng kahit anong halaga ang pagmamahal ko kay Freen at Emily. Inilapag ko ang check sa mesa at tumalikod ako. Pinigilan ko ang luha kong nagbabadyang tumulo. "Bakit kulang pa ba? Sabihin mo magkano ang kailangan mo para lumayo ka na sa pamilyang ito!" Bulyaw nito sa akin na ikinagulat nila Manang Rosie. "Lola, mahal ko si Freen at ang bata.." napaatras ako ng bigla itong tumayo at lumapit sa akin. "Malapit ng lumubog ang negosyo ng pamilya mo kaya ka andito para huthutan ang apo ko, kaya lumayas ka na sa buhay niya at sa pamilyang ito!" Nanlilisik ang matang tumitig sa akin. Ang hirap palang magmahal, lalo na kung against ang mundo sa aming relasyon. Pero mahal ko din ang magulang ko at ayaw ko silang maghirap. Napalunok ako at napatango tango. Naalala ko din ang banta ni Nathaniel alam kong totohanin niya iyon. "Sige po, aalis na ako bukas, paggising ninyo, hindi niyo na ako makikita sa mansion." Saad ko bago tuluyang iniwan ang matanda. "Sorry, Freen, kailangan kong mamili," at tuluyan na ngang nag-unahang magbagsakan ang aking mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD