Chapter 9

2720 Words
REBECCA Nakarating kami sa bahay ng walang alam si Freen sa mga nangyari. Masaya at sweet padin siya sa akin. "Ahm, babe, pagpapaalam sana ako na uuwi sa amin, may aayusin lang ako," sabi ko habang inaayos niya ang pagkakahiga ni Emily. Lumapit sa akin at seryoso siyang tumingin sa akin. "Are you leaving me?" May lungkot sa boses nito. "No, i just want to fix something, tapos babalik ako," ikinulong ko ang mukha nito sa aking palad. "Hindi ka magpapakasal sa lalaking 'yon, promise me," paniniguro nito, at ramdam ko ang lungkot sa kanyang mata. "Basta tandaan mo, mahal na mahal ko kayo ni baby," tangi kong tugon. Napakasakit ng loob ko sa pag-iisip na kailangan kong lumayo sa kanya, pero kailangan kong gawin ito para sa kapakanan ng lahat. Napakasakit ng loob ko habang naglalakad palabas ng mansion. Ang mga alaala namin ni Freen ay bigla akong naisip. "Mahal na mahal kita, Freen, pero kailangan kong lumayo para sa ikakatahimik ng buhay ninyo ni baby," luhaan kong bulong. Nag-iisip ako kung paano ko sila makakalimutan, pero alam kong hindi ko sila makakalimutan. Tahimik akong pumasok sa kotse ni Nathaniel, habang pigil ang pagluha. "Good girl, akala ko hindi ka tutupad sa usapan, eh?" ngisi nitong sambit. "Ito ang pinili ko, Nathaniel. Ayaw ko silang maghirap dahil sa akin," sabi ko, habang tinitingnan ang mansion. "Magiging masaya ka sa akin, Becca. Magiging masaya tayo," sabi ni Nathaniel, habang hinahawakan ang aking kamay. Ngunit hindi ko naramdaman ang masaya. Ang nararamdaman ko ay lungkot at pagkawala. "Kailan ko sila makikita?" tanong ko. "Hindi mo na sila makikita, Becca. Kailangan mong mag-move on," sagot ni Nathaniel. "Ihatid mo ako sa bahay, kung talagang gusto mo akong maging asawa, idaan mo sa maayos na paraan," walang emosyon kong tugon. "Okay, baby. Sabi ko sayo, hindi mo mapipigilan ang tadhana," sagot niya. Hindi ko na ito pinansin sa mga pinagsasabi niya. Matapos niya akong maihatid, kinausap niya sila Mommy at Daddy bago siya tuluyang nagpaalam. "I miss you, anak," naiiyak na yakap ni Mommy. Si Dad, nakatingin lang sa akin, tila inaaral ang aking awra. "Anak, kung di mo talaga gusto, huwag mo nang pilitin ang sarili mo. Patawarin mo ako kung ganon na lang ginawa kong pagpupush sayo kay Nat noon. Mas okay na lang na maghirap tayo kaysa mawala ka sa amin," naluluhang sambit ni Dad habang hawak ang aking kamay. "Dad, alam kong mahalaga sayo ang kumpanya, kaya hindi ko hahayaang mapatalsik kayo, at si Nat ang papalit sa inyo. Gagawin ko ang lahat para maisalba ang lahat," sagot ko. "Bukas na tayo mag-uusap, gabi na, kaya magpahinga na muna tayo," ani ni Mama. Namiss ko ang aking kwarto. Matapos akong maligo at magpatuyo ng buhok, nahiga na din ako. Alam kong panibaging hamon ang haharapin sa mga darating na mga araw. Naisip ko nanaman si Freen; bigla nanaman akong nalungkot at di maiwasang maiyak. Sana maintindihan niya ako sa ginawa kong paglayo. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pakikipaglaro kay Bonbon at sa pagpunta ng gym. _________ "Ilang araw na hindi nagpaparamdam si Nathaniel, na lihim ko namang ikinatuwa." "Bunso, I have a good news," masayang bungad ni Kuya Richie habang may hawak itong newspaper. Napakunot ako ng noo. "Ilang malalaking clothing company ang gustong mag-invest sa Bonclo," natutuwa nitong saad. "Kapag ito natuloy, maaring makatulong tayo para maiangat ang kumpanya ni Dad at hindi mo na kailangan maikasal sa Nathaniel na yon." Kita ko ang tuwa sa mata ni Kuya, maging ako ay magkaroon ng pag-asa na hindi matutuloy ang kasal. "Hi, bayaw, mukhang masaya tayo ah," kaway ni Nathaniel ng bigla nalang pumasok sa loob ng bahay. Akala mo siya ang may-ari ng bahay dahil hindi manlang siya kumatok bago pumasok. Napakabastos talaga. Napansin ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi ni Kuya. "Speaking of the Devil," bulong nito. "Dumaan lang ako para ipaalam na may gaganaping party event mamayang gabi, at malalaking investor ang aattend. Kaya, aasahan ko ang Armstrong family na naroon mamayang gabi." Pagkatapos nitong sabihin, agad din itong umalis dahil susunduin pa daw niya ang parents niya. Isang casual long black sleeveless dress ang isinuot ko, na may slit hanggang lampas sa tuhod. Bumagay naman sa maliit kong katawan. Mabuti na lang at mabilis na humaba ang bangs ko, kaya hindi na ako naiilang at hindi na nagmumukhang Dora. Alas otso na ng makarating kami sa hotel kung saan ginaganap ang party. Dumiretso na kami sa function hall, inaalalayan ni Dad si Mom, habang si Kuya naman ang naka-escort sa akin. Pagpasok palang namin sa hall, ay namataan ko na ang mga bigating mga investors. Nakihalubilo na si Kuya sa ilang mga tao, alam kong kukunin niyang oportunidad to para makakuha pa ng investor ng Bonclo. "Baby, halika, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko," hinila ako ni Nathaniel mula sa pagkakaupo. Ng tignan ko si Mom at Dad, abala din sila sa pakikipag-kwentohan sa iba. Lumapit kami sa kumpulan ng mga siguro nasa 25 above ang mga edad, ang babata palang na mga negosyante, pero mga kilala na bilang mga young billionaire ng bansa. "Hey, Nathaniel, its good to see you here," masayang bati ng isang lalaki pagkakita sa amin. Hanggang sa dumako ang tingin niya sa akin. Kita ko sa mukha niya ang pagkamangha, ganun din ang iba. "Ang sino siya?" nakangiting baling naman ng isang babae. "Hello everyone, meet my fiancée," tumingin si Nathaniel sa akin. "Ms. Rebecca Armstrong," nakangiti niyang pagpakilala sa akin. "Gorgeous," bulalas ng isang lalaking kanina pa di mapatid ang tingin sa akin. "Hello sa inyo," matipid kong ngiti at bati sa kanila. "Bambi, ayusin mo 'yang tingin mo, she's mine," masamang tingin ang ipinukol nito sa lalaki at hinapit ako sa bewang, dahilan para magulat ako. Malaking party event ito na dinaluhan ng ibat-ibang investors at ilang mga kilalang personalidad. May mga artista at ilang mga Senador at congressman. "Tol, ginayuma mo ba buti pumatol sayo?" mahina lang pero dinig kong saad ng katabi ni Nathaniel, dahilan para ambaan niya ng suntok. "Wooh... easy tol, act professional here. Kapag nagkagulo dito, paniguradong ikakahiya ka ni Dad," awat ng isang lalaki na mataba at may malaking tiyan. Kumalma si Nathaniel at binalingan ako, "Mag-behave ka, huwag kung sino-sino ang kinakausap mo dito, kung gusto mong hindi mapahiya ang pamilya mo," bulong nito sa akin. Naging sunod-sunuran ako sa kanya kung saan siya pupunta, nakabuntot lang ako. Napapagod na ang panga ko sa pagngiti sa mga taong kinakausap niya, halos lahat na ata ay naipakilala niya ako, kulang na lang umakyat siya sa entablado para e-announce doon. Hanggang sa isang pamilyar na pabango ang aking nalanghap, napalingon ako, pero bigo akong makita kung saan nanggaling ang pabangong iyon. Nakita ko sila Dad na papunta na sa mesa nila, habang si Kuya may kausap na isang babae, hindi ko makita ang babae dahil natatakpan siya ng mga tao. "Narito kaya siya?" saad ko sa aking utak, bigla akong nakaramdam ng pananabik na makita siya, mis na mis ko na siya ng sobra. "Baby, halika," bulong ni Nathaniel, muli sumunod ako, kahit masakit na ang aking paa. "Hello, amigos," bati nito sa lahat. "Come have a sit, kanina ka pa namin hinihintay na tunguin ang mesa namin." Naupo kaming magkatabi, at sa harap, may isang bakanteng upuan, pero may nakapatong na itim na blazer sa backrest ng chair. "Mukhang nais niyo akong makasosyo sa negosyo, kung ganon, contact my secretary and set another meeting for this," mayabang nitong inilapag ang calling card nito. Napangiti nalang ang ilan sa inasal nito. "Mr. Tui, balita ko, isa ka daw top 1 investor ng Armstrong Aviation?" tanong ni Miss Cheng na nakilala ko na kanina. "Yeah, at kapag umatras ako, panigurado, mabubura na sa mundo ng businesses 'yang aviation na 'yan," mayabang niyang tugon. "Pero si Boss F, isa na siya sa investor ng A.A. Malaki din ang share niya sa kumpanya, at kahit pa siguro mag-back out ka, kaya ng tumayo ang A.A. sa sarili," nakangising saad ni Miss Cheng. "Kaming lahat ay baback up sa A. Aviation, dahil ang daming investor ang nag-back out sa kumpanyang 'yan ng isang alisan. Nakakapagtaka naman, Mr. Tui, at ang natira ay ikaw lang," ngisi ng isang babae na nasa tabi ni Miss Cheng. Sumama ang timpla ni Nathaniel, "Anong gusto niyong palabasin na ako ang may kagagawan ng pagbagsak ng A.A. at kung sino naman ang naglakas loob na?" singhal nito na dahilan para mapalingon ang mga nasa malapit. Tumayo ito at umalis, binawi din niya ang calling card na inilapag niya sa mesa. Napailing nalang ako at napabuga ng hangin. "Mayabang lang talaga yung taong iyon, akala niya na siya ang may pinakamalaking pera sa larangan ng pagnenegosyo." "Maraming napabagsak na kakompetensya, kaya mahirap siyang kalabanin, maiging kaibiganin kung ayaw mong matira ng palihim." "Maruming maglaro." "Excuse me, kakausapin ko lang siya. Pasensya na po ulit." "Mag-ingat ka lang sa kanya, Ms. Armstrong. If I were you, hindi ako magpapatali sa isang taong dahilan ng pagbagsak ng negosyo ng iyong ama." May corcern sa boses ni Ms Cheng habang nakatingin sa akin. Ngumiti nalang ako, ako man ay hindi ko din gustong magpatali sa kanya, ngunit anong magagawa ko kung hawak niya ang family business namin. Saktong pagtalikod ko ay may tinawag silang "Boss". Hindi ko na nagawang lumingon dahil gusto kong makausap ng masinsinan si Nathaniel. Kung may mga back-up naman na pala ang Aviation na pagmamay-ari ni Dad, hindi ko na kailangan ang magpakasal pa sa kanya. At sigurado ako, makakaya din ng clothing company ko na suportahan sila ni Daddy. Hinanap ko siya sa bawat pasilyo; lakad-takbo ang aking ginawa upang mahabol ko siya. Ngunit habang pabilis ang aking paglalakad, parang may sumusunod sa akin, kaya napalingon ako, pero wala akong nakita. Muli kong binilisan ang paglalakad sa hallway; gabi na din kaya ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin. Pagliko ko, bigla na lang may nakatayong babae sa aking harapan. "Multo!!" Nanlaki ang mata ko at napaatras. Isang matalim na tingin ang iginanti niya sa akin. "Fre... Freen!" Ang puso ko ay tumitibok mas mabilis nang makita ko ang masama nitong tingin. Humakbang ito papalapit sa akin, kaya humakbang naman ako paatras, ngunit wala na akong aatrasan dahil napasandal na ako sa pader. Seryoso siyang nakatitig sa aking mata; napalunok ako nang dumako ang mata nito sa aking labi. Dumukwang ito at inilapit ang bibig malapit sa aking tainga, at bahagya niyang hinapit ang aking bewang, dahilan para magdikit ang aming katawan. "Huwag kang magpapakasal sa kanya, hindi ako papayag. Akin ka lang, Rebecca," may diin nitong sambit. Hinubad niya ang blazer niya at inisinuot sa akin. Ito yung blazer na nakita ko kanina sa upuan. "Ma'am Freen, andito ka lang pala. Hinahanap ka ni Ma'am Olivia; kararating lang niya," bungad ng isang babae na, sa tantya ko, ay secretary niya. Narito ang iyong sinabi na mayroong tamang punctuation at pagkakaayos: Olivia, ibig bang sabihin... Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Tumingin ako sa kanya, maging siya ay tumitig sa aking mata. Bumaling siya sa babae. "Tell her I'm coming," seryoso nitong tugon. At ng makaalis na ang babae, bigla ko nalang naramdaman ang malambot niyang labi na inaangkin ang aking labi. Napaluha ako, ang halik na sobrang kong namimis. Naging mapaghangad ang labi nito at naghihintay ng katugunan. Napakislot ako ng maramdaman ko ang dila nito sa loob ng aking bibig. Pahina ng pahina ang paghalik nito hanggang sa padampi-dampi sa aking labi. Halos mawalan ako ng hininga ng maghiwalay ang aming labi. Tumitig siya sa akin, "We'll find each other again" at marahan niyang pinisil ang aking palad bago tuluyang tumalikod. Napasapo na lang ako sa aking noo. Naiinis na... ewan... nabitin lang at mis na mis ko na siya, pero mas pinili niyang umalis. Pero hindi ko maitatanggi ang sakit na nararamdaman ng aking puso. Masakit na, mukhang nagkakamabutihan na sila ni Olivia. "Ang kapal din ng mukha, gusto akong ariin pero may Olivia na nga," nagdabog akong tinungo kung saan pumaroon si Nathaniel. Pakiramdam ko ay yakap-yakap ako ni Freen dahil sa suot kong blazer at sa amoy nitong gustong-gusto kong amuyin. Nakita ko naman agad si Nathaniel, galit na galit at may kausap sa phone. Lumapit ako para marinig kung anong pinag-uusapan. Hindi ako makapaniwala sa naririnig mula kay Nathaniel. "Hayop talaga siya. 'Gawin niyo ang lahat para mapaback out ang lahat ng mga papasok na investor ng A.A.' ani nito. 'At yang Boss F na sinasabi nila, kung kailangan ninyong itumba, ipatumba nyo para hindi agad makakabangon ang Aviation' galit niyang sigaw sa kausap. Napatahip ako ng aking bunganga dahil sa narinig. So, totoo ngang plano niya ang lahat. "Kailangang maikasal na kami ni Rebecca bukas bago pa makabangon ang A.A." kuyom nito ang kanyang palad. Dali-dali akong bumalik sa loob para hindi niya ako maabutan na nakikinig sa kanilang usapan; maliwanag na ang lahat sa akin. Binilisan ko ang lakad, nag nasa hallway na ako ay nakasalubong ko ang kaibigan nitong si Bambi. "Saan ka galing, Miss Beautiful?" nakangisi ito. "Nag-banyo lang ako, sige ha, babalik na ako sa loob," yumuko ako tanda ng paggalang, pero nahahalong kaba at takot ang aking nararamdaman dahil wala akong tiwala sa grupo ni Nathaniel. "Alam mo, parang nakita na kita sa isang resort," napahinto ako sa paghakbang dahil sa sinabi nito. Napatunganga ako sa kanya. "May kasama kang..." hindi na nito natapos ang sasabihin dahil isang malakas na suntok ang tumama sa mukha nito. "Oh my God!!" sigaw ko at napalingon sa sumuntok sa kanya. "Gago ka, sinabi kong huwag mong lalapitan ang girlfriend ko," galit na galit na asik ni Nathaniel. "Tol, tang*na mo, wala akong ginagawang masama sa girlfriend mo, nag-uusap lang kami!" hawak-hawak nito ang kanyang labi na dumudugo na nga dahil sa lakas ng pagkakasuntok. "Ano ba, Nathaniel? Mahiya ka naman... wala kaming ginagawang masama," sinamaan ko ito ng tingin, akma na aalis na ako, ngunit hinaklit niya ang kamay ko at pilit na hinila papunta sa parking lot. "Ano ba, nasasaktan ako!" pagpupumiglas kong tugon. Ngunit kahit mapayat ito, ay malakas pa din siya dahil lalaki siya. Masakit na din ang aking paa dahil sa ilang beses na akong natatapilok sa kahihila niya sa akin. "Akin ka lang, Rebecca, sa bahay ka na uuwi ngayon, bukas ikakasal na tayo!" singhal nito. "Never, Nathaniel! Hindi ako magpapakasal sayo, at kahit kailan, hindi mo ako makukuha," at malakas kong tinuhod ang betlog nito, akma na tatakbo na ako, ngunit nahawakan niya ang aking buhok, dahilan para matumba ako. Hawak niya ang kanyang pagitan dahil sa sakit ng pagkakatuhod ko sa kanya. "Kung hindi ka magiging akin, mabuti pang mawala ka na lang," desperado niya tugon. Hindi ko alam, pero biglang naging demonyo ang itsura nito. Kung kanina, parang ang bait sa harapan ng lahat, ngayon, nakakatakot na itsura. "A-anong gagawin mo..." nauutal akong tumingin sa kanya. Nakangisi ito; nakaramdam na ako ng takot. Hindi na lang nagtangkang sumunod ang kaibigan niyang si Bambi. "Pero bago kita buburahin sa mundo, syempre, bilang negosyante, manghihingi muna ako ng pera sa pamilya mo," malakas niya akong hinawakan sa braso; nanlaban ako, ngunit sinuntok ako sa sikmura, dahilan para mawalan ako ng lakas. Naging malaya siyang isinakay ako sa kanyang kotse at itinuloy sa isang bahay. "Diyan ka!" Pahagis niya akong ipinasok sa isang maliit na kwarto, atsaka nito isinara ang pinto. Narinig ko ang paglock nito. Nagulat ako sa aking nakita sa loob ng silid - larawan ko ang lahat. Mga stollen shots at halos lahat ng mga uploaded pictures ko sa i********: ay nakadikit sa pader ng silid. "Anong ibig sabihin nito?" bulalas ko, at natakot ako sa mga nakikita. Kinilabutan ako, kahit mukha ko ang nakikita ko sa bawat sulok ng kwartong ito. Dumadaloy ng kaba sa aking puso habang tinitingnan ko ang mga larawan. Bakit niya ginawa ito? Anong gusto niyang sabihin? Napaluha ako sa takot at nag-iisip ng paraan para makatakas. Pero ang pinto ay nakalock at walang ibang daanan. Nag-iisip ako kung paano niya nakukuha ang mga larawan ko. May mga larawan din na hindi ko na nakita, mga larawan na hindi ko alam kung sino ang kumukuha. Natakot ako sa kung ano pang mga plano niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD