Chapter 10

2007 Words
REBECCA Nakatulog ako dahil sa sobrang pag-iyak. Yakap-yakap ko ang aking sarili at isiniksik ang aking katawan sa isang sulok ng kwartong ito. Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa; kailangan kong makatakas kay Nathaniel. Akmang tatayo ako nang bumukas ang pintuan. Sinamaan ko ito ng tingin, ngunit ngumiti lang ito. "Baby, halika, ipinagluto kita," animoy isang anghel nanaman ang mukha nito. "Alam mo namang ayaw kong nasasaktan ka, kaya kita dinala dito para hindi ka na mahawakan pa ng ibang tao," ngingiti ngiti ito. Nakita ko ang knife bread; nagkaroon ako ng konting pag-asa. Nakisip ako ng paraan paano makaalis dito. "Hindi mo naman kailangang gawin ito sa akin, eh. Susunod naman ako sa gusto mo," mahinahon kong tugon. "Talaga, baby?" Sumilay ang tagumpay sa mga ngiti nito. "Oo naman, basta tulungan mo sila Dad na makabangon sa kumpanya," mahinahon kong tugon. Akmang dadamputin ko sana ng patalim, ngunit hawakan niya ang kamay ko. Alam ata niya ang iniisip ko, kaya maagap niyang nakuha ang bread knife. "Akala mo maiisahan mo ako," agap nito. Pero dahil sinumpong nanaman ang pagkatuso ko, ay tinabig ko ang tray na naglaman ng mainit na sabaw, dahilan para maibuhos sa kanya, at mabilis akong tumakbo palabas. Mabuti na lang at iniwan niyang bukas ang pinto. Bitbit ang aking sandal, ay mabilis akong nakalabas ngunit naabutan niya ako at mabilis na hinila papasok. Pero ipinukpok ko ang takong ng aking sandal sa kanyang ulo, dahilan ulit para sumigaw sa sakit. Nakita ko ang pagdugo ng kanyang noo, kaya mabilis ako tumakbo palabas ng gate. Ngunit humabol parin ito, kahit sapo na at dumudugong noo. Mabilis ko ibinato sa kanyang ang hawak kong sandal na tumama naman iyon sa kanyang mukha; mukhang natamaan ata ang mata dahil sa pagsigaw nito. "Takbo, Becbec, hindi ka dapat mahabulan ng hayop na 'yon," sa aking pagtakbo, ay may tumunog sa kung saan, sa damit na suot ko. Mula sa bulsa ng blazer na suot ko. Hingal na hingal na ako, nanghihina, at ano mang oras ay pwedeng bumigay ang aking katawan. Isang de keypad na cellphone ang nakita ko sa bulsa. May tumatawag, kaya mabilis ko itong sinagot, kahit hinihingal ako. "H-hello... tulong... tulungan nyo ako!" Hindi ko na hinintay na sumagot ang nasa kabilang linya ng makita ko si Nathaniel na paika-ika itong patungo sa kinatatayuan ko. "Rebeccaaa!!" sigaw ni Nathaniel ng makita akong nakatayo sa gilid ng kalsada. Muli nanamang nabalot ng takot ang aking puso, at tumakbo ulit palayo sa kanya. Pagod na pagod na ako, nagkasugat-sugat na rin ang aking paa dahil sa gaspang ng kalsada. Hanggang sa makarinig ako ng mga pulis na nanlalabo na ang aking paningin habang papalapit ng papalapit ang aking naririnig. Napalingon ako kay Nathaniel, kahit malabo na ang bulto nito, ay parang tumakbo ito palayo sa akin. "May araw ka din, Rebecca!" sigaw nito habang papalayo. Nangatog ang aking tuhod dahil sa pagod at takot na naramdaman. Unti-unti, nanlabo ang aking mata at nilukob ito ng kadiliman. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa bising ng isang tao na may pamilyar na pabango. "F-freenn..." pabulong kong sambit bago ako tuluyang nawalan ng malay. Pagdilat ng aking mata, isang puting kisame, puting pader ang bumungad sa akin. Bumaba ang tingin ko sa taong nakayuko at nakahawak sa aking kamay. Iginalaw ko ito para magising kung sino man siya. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Halata sa mukha nito ang labis na pag-aalala. "Mabuti mabuti sinagot mo ang tawag, kaya nadetect ang location mo," dugtong nito. Hinaplos nito ang aking mukha; wala akong masabi... hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. "I'm sorry, akala ko pumasok ka na kanina, sana hindi kita iniwan, sana hindi ka nasktan ng lalaking yon," lumandas na ang luha sa kanyang pisngi. Hinaplos ko ang mukha nito. "I—miss you," tangi kong sagot. "Mis na mis na din kita, mis ka na ng anak natin," patuloy ang pagtulo ng luha nito. Bigla akong nakaramdam ng sakit sa akin puso ng maalala ko si Olivia. Magtatanong sana ako, ngunit huwag na lang, baka lalo lang akong masaktan kapag umamin. "Anak," halos sabay-sabay na pumasok si Mom at Dad, ganun din si Kuya, bakas sa mukha nila ang sobra pag-aalala. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sabay-sabay nila akong niyakap. Nakita kong dumistansya si Freen at tumayo sa sulok. "Maraming salamat, Freen, mabuti na lang at pinasuot mo sa kanya ang blazer mo, mabilis na nahanap niyo ang aking anak," saad ni Mommy. Wala akong matandaan na pinakilala ko si Freen sa pamilya ko, pero bakit parang magkakakilala na pala sila. Ngumiti lang ito. "Wala po iyon, atsaka suot man niya o hindi ang blazer, hahanapin ko siya kahit saan pa siya dalhin ni Mr. Tui." Lihim akong kinilig sa sinabi nito, pero kinagat ko ang pang-ibabang labi upang hindi niya mahalata. "Anak, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Dad. "Patawarin mo sana ako kung humantong sa ganito ang lahat... kung alam ko lang na siya ang may kagagawan ng lahat, sana hindi na kita pinilit pang maikasal sa kanya, hindi ka sana nasaktan ng ganito." Nginitian ko si Dad at hinaplos ang kamay nitong nakahawak sa aking braso. "Dad, kung hindi ito nangyari, hindi natin malalaman na siya pala ang kalaban na dapat nating iwasan at huwag pagkatiwalaan. Ligtas naman po ako, kaya huwag na kayong mag-alala." Inisa-isa ko silang tinignan, at ng makarating na kay Freen ang aking tingin, ay nakaramdam ako ng pangungulila. Pakiramdam ko ay ilang taon ko siyang hindi nakita. Tumitig din ito sa akin at tipid na ngumiti. "Salamat, Freen, kung hindi ka dumating, baka kung ano na ang ginawa ng baliw na iyon sa akin," wika ko habang nakatitig sa kanya. "Lahat gagawin ko para sayo, kahit ikapapahamak ko pa at ikakasawi ng puso ko, gagawin ko, manatili ka lamang na ligtas," makahulugan niyang saad. "Ahem, maiwan na muna namin kayo para makapag-usap kayo ng maayos," paalam ni Mommy. Ngumisi naman si Kuya Richie, na parang nanunudyo ito. "Kuyaa?!" Inis kong saad. "I say nothing, sissy," natatawang saad nito at mabilis na humabol sa aming magulang. "Salamat ulit," nahihiya kong sambit. Naglakad ito at naupo sa upuan na nasa tabi ng hospital bed. Hinawakan nito ang aking kamay at idinaop sa kanyang palad. "Mag-ingat ka sana palagi, at lagi mong tandaan na mahal na mahal kita... gagawin ko ang lahat para mailayo ka sa kahit anong kapahamakan," saad nito. Bigla ko nanamang naalala si Olivia, kaya nag-init ang sulok ng aking mata, at namuo ang luha. "Wala din patutunguhan ang pagmamahal na iyan, dahil hindi na tayo pwede, hindi na pwedeng magsama, dahil may Olivia ka na," wika ko. Umiling ito at hinalikan ang aking kamay, tumayo, at hinalikan ang aking noo, pinagdikit niya ang aming noo, at naramdaman ko ang pagbagsak ng luha nito sa aking pisngi. "Mahal na mahal kita, pero kailangan kong mamili kung saan ka mas maging maayos ang lahat," bulong nito. Bahagya kong itinulak, ngunit hindi ito magpatinag, mas lalo niyang idiniin ang pagkakadikit ng aming noo. "Freen, hindi totoo yan, kung mahal mo ako, dapat piliin mo kung saan ka magiging masaya," wika ko. Ngunit isang halik ang itinugon nito sa aking sinabi. Halik na tila namamaalam, halik na sabik at uhaw, halik ng pangungulila. "Babalik ako at mamumuhay tayo ng payapa kasama ang ating anak na si Emily," bulong nito. Sakto naman dumating ang nurse para icheck ang vitals ko. Sa tagal ng ginawa sa akin na pagsusuri, ay nakaidlip na ako, pero wala na si Freen, tanging ang mga magulang ko nalamang ang aking nakita. Simula noon, wala na siyang paramdam, at hindi ko na rin nakausap pa, kahit sa telepono. Masakit at nangulila ang aking puso. Isang buwan na ang nakalipas, at naka-rehab na din si Nathaniel. Naging malaya na akong lumabas ng bahay, nag-umpisa na din akong mag-gym para mapalakas ang aking katawan. At nag-aral ng self-defense. Hindi na rin nagparamdam si Freen pagkatapos ng insidenteng iyon. Sinubukan ko siyang kontakin, ngunit laging sinasabi ng sekretarya niya na busy siya at walang oras makipagkita sa kahit sino. "Good morning, Ma'am Rebecca," bati ng mga empleyado ng makita ako. Andito ako ngayon sa opisina ni Dad para kunin ang mga papeles na ipapapirma sa isang client niya. May secretary naman siya, pero ako gusto niyang maghatid. "Good morning, Daddy," sabay halik ko sa pisngi nito. Pasensya ka na, iha, kung ikaw na muna ang makikipag-meet sa mga client natin, kung Kuya mo busy sa Bonclo," paumanhin nito sa akin. "Ayos lang, Dad. Next week pa naman ako mabubusy sa Bonclo para sa opening ng Bonclo sa kabilang bayan," nagkaroon na kami ng ibat-ibang branch ng Bonclo, naging maayos na ang takbo ng negosyo. Matapos maibigay ni Dad ang mga kailangang ipapirma kay Mr. Sanchez, agad na akong umalis. Dumiretso ako sa restaurant kung saan nagpareserved ng lunch meeting si Mr. Sanchez. 20 minutes na ang nakalipas sa oras na aming usapan, ngunit hanggang ngayon ay wala pa din ito. "Hays, sinasayang lang ang oras," iritable akong nagpalingon-lingon. Hanggang namataan ang isang pamilyar na mukha. Si Olivia at si baby Emily ang nakaupo sa bandang gilid. Tama nga ang hinala kong nagkaayos na sila ni Freen. Napasinghap ako ng makita ko ang papasok sa pintuan ng restaurant na ito. Diretso siya sa kinauupuan ni Olivia at baby. Nakita ko kung paano niya halikan sa pisngi ang babae. Masakit, wala na pala akong babalikan, pero masaya ako na sa pag-alis ko ay nabuo ang pamilya ni baby. Hindi ko na nahintay pa si Mr. Sanchez, kaya tinawagan ko na lang si Dad na imeet ko na lang siya some other day. Nawalan na ako ng gana, kaya tumayo na lang ako at akala ko aalis na sa restaurant nang masagi ako ng isang waiter at naibuhos sa akin ang laman ng tray na may malamig na tubig. "Im so-sorry, Ma'am, hindi ko po sinasadya," nag-aalalang punas agad sa akin ng babae. Agad namang lumapit at papagalitan sana ang waiter, "No, it's okay, Ma'am, it's my fault, hindi ko kase nakita na nasa likod ko, kaya nagpatid ko yung hawak niyang tray sa pagtayo ko," nakangiti kong saad. "Babayaran ko na lang po yung natapon niyang food, huwag niyo ng ikaltas sa sahod niya," magalang kong saad sa kanilang manager. Nakita ko ang pasasalamat sa mata ng lalaki, at halata din ang pagod sa mukha nito. Pumunta ako ng banyo para ayusin ang sarili. "Hays, sobrang basa ko na," bulong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. "Kahit kailan ang clumsy mo padin," boses ng isang babae na papasok sa loob. "Fre—Freen," sambit ko habang nakatingin sa repleksyon nito sa salamin. Eto nanaman ang puso kong gustong magwala at yakapin siya, pero hindi. Hindi na pwede dahil masaya na siya kay Olivia. Nagbago ang aking awra at sinamaan ko siya ng tingin. "Hey, bat ganyan ka makatingin, gusto mo nanama? Sinusunog mo nanaman ba ako sa imahinasyon mo?" ani nito at naglakad papunta sa aking gilid at sumadal sa wall, humalukipkip at tumitig sa akin. "Will you please leave me alone," asar kong tugon sa kanya. "Leave? Wala yan sa bokabularyo ko ang mang-iwan, baka ikaw, tutal ikaw naman ang mahilig mang-iwan eh, diba?" sarkasmo niyang tugon. Bumaling ako sa kanya at sinamaan ng tingin. "Huwag mo akong titigan ng ganyan, lalo akong naiinlove sayo," nakangiti ito. Bigla tuloy nagrambulan ang aking halo-halong emosyon. "Jusko, Becca, huwag kang kiligin sa kumag na yan, sinasabi ko sayo, trauma yan pagkatapos," saway ko sa aking sarili. "Freen, matagal ka pa ba?" boses yun ni Olivia na nasa labas ng pinto. "Im coming, don't take Emily inside," naghugas ito ng kamay at tinanggal ang suot nitong blazer. "Be safe and go home," saad nito at ipinatong sa aking balikat ang blazer nito para matakpan ang parteng basa sa aking damit. Nanlumo ako dahil ilang beses na niya akong iniiwan sa kawalan ng dahil kay Olivia. "Sabi kase sayo eh, trauma agad," masama kong tinitigan ang aking sarili sa salamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD