REBECCA
Tinungo ko agad ang parking lot kung saan nakagarahe ang aking kotse. Inistart ko na ang makina at inayos ang aking seatbelt. Pagtaas ng aking tingin, nakita ko ang masayang mukha ni Freen at Olivia na palabas na din sa restaurant.
Hawak ni Freen ang bata, habang hawak naman ni Olivia ang bag na lagayan ng mga gatas ni baby.
"Perfect family," bulong ko, sabay hawak sa naninikip kong dibdib. Ang sakit pala.
Kung kailan pwede na, siya naman ang pagbuo ng pamilyang ninanais ni Freen para sa anak niya. Hindi nga lang ako ang kasama niyang bumuo, kundi ang tunay na ina at nagmamay-ari sa kanila.
Napahinga ako ng malalim at bahagya pang sinulyapan sa sidemirror ng kotse. Hindi ko alam kung sa kotse kong papalayo siya nakatingin, dahil nakaharap siya sa palayo kong sasakyan.
Wala sa sarili kong inapakan ang accelerator ng kotse, kaya lalong bumilis ito. Lutang na ang aking pakiramdam dahil sa sakit na nararamdaman, ngunit bigla akong natauhan ng makita kong may patawid na aso, kaya mabilis kong inapakan ang preno.
Napatahip ako ng dibdib, muntikan na. "Geezzz." Napalo ko ang monubela at muling akong umabante.
Pagdating ko ng bahay, ay nagkulong lang ako, wala akong ganang kumain, wala akong gana sa lahat.
Nang bigla nalang may dumagan sa akin, "Ouch, ano ba, inaantok ako?" asik ko, at lalo akong nagtalukbong.
Ngunit hinila lalo ang kumot ko at unan ko, at saka nito hinagis sa lapag, kaya sinigawan ko ito.
"Richiiieee!!, nakakainis ka talaga!" bweset kong sigaw sa kanya, pero mas lalo lang niya akong tinawanan.
Kung hindi lang niya hawak si Bonbon, kinarate ko na siya.
"Bumaba ka na kase, nasa baba si Irin," natatawa padin ito.
"Ikaw na lang humarap sa kanya, mukhang kinikilig ka naman eh," irap ko dito.
Atsaka ako bumango para damputin ang kumot, pero humiga siya dito at inilapag si Bonbon sa tabi nito.
"Arrghh!.. Richieee, ano ba!" masama ko siyang tinitigan, kaya tinahulan na ako ni Bonbon.
"Huwag ka daw kase sumigaw," saad ni Kuya, kaya iniwan ko na lang sila, alam kong susunod din sila sa akin pagbaba.
"Irin, ano nanaman ginagawa mo dito? Inaantok ako, iihh," nakabusangot akong sumalampak sa sofa.
"Anong inaantok, eh, tulog ka nga daw ng tulog, hindi ka nagpupunta sa office niyo, diba?" tinaasan ako ng kilay.
Alam ni Irin kung kailan ako okay at kung kailan kailangan ko ng kausap. Minsan, mas nagiging maingay ang pananahimik ko kaysa mag-ingay ako, literal.
"Bestie, ano kasi nangyari sa pag-apply sa Hired Wife Corp na yun? Bakit ganyan ka na simula noong bumalik ka?" kunot noo nitong tanong.
Hindi pa ako nagkukwento sa kanya kung ano talaga ang mga nangyari.
"Nainlove kaya, ganyan," pang-aasar ni Kuya habang pababa sila ni Bonbon sa hagdan.
Tumingin ako kay Kuya, tinapunan ko ng mapagtanong na tingin habang nakakunot ang aking noo.
Nagkibit-balikat siya. "Alam ko na ang lahat," ngumiti ito at saka tumalikod. "I'll make smoothie para sa inyo, ladies."
Ibinaba niya si Bonbon at nagtungo ito sa kusina.
"Anong nangyayari sayo? Ang daming ganap at naguguluhan ako. Richie told me na may jowa kang babae?" pinanlakihan niya ako ng mata.
"Saan nakuha ni Richie ang ideyang yon? Hindi naman ako nagkukwento sa kanila."
"Huh? Sino naman at kanino?" maang kong tanong.
"Lahat sila dito alam, ikaw lang hindi nakakaalam?" tumayo ito at tinabihan ako.
"Bestie, umamin ka nga, babae yung naging asawa mo for 3 months?" hawak na nito ang aking kamay.
"Pfft." Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya.
"Oo, pero tapos na eh, atsaka bumalik na ung dati niyang kinakasama, kaya umalis na ako," may lungkot kong sambit. Pero gustong bumuhos ng aking luha dahil sa nangyari.
"Bar tayo?" nakangising hatak ako patayo.
"Mag-ba-bar kayo? Sama ako, baka mamaya may mambastos pa sa inyo doon," wika naman ni Kuya.
Wala na kaming nagawa kundi isama siya, tutal wala naman pasok bukas sa opisina, kaya pwedeng mag-relax ngayon.
Pagpasok palang namin ng bar ay agad na sumalubong ang mga entertainer sa amin. Kilala kami sa bar na ito dahil pagmamay-ari ng ninong ni Kuya.
Ang bar ay puno ng buhay at sigla. May kumikinang na mga ilaw na nagpapalit ng kulay, na nagbibigay ng isang electric na atmospera. Isang mix ng moderno at klasikong kanta na nagpapataas ng mga damdamin.
Sa gitna ng bar, may isang malaking dance floor kung saan sumasayaw ang mga tao at sumasabay sa ritmo ng musika. Ang mga mesa at upuan ay nakapaligid sa dance floor, kung saan nagkukuwentuhan at nagtatawanan ang mga tao.
Ang amoy ng mga inuming alak at pagkain ay nagpapakita sa aming pagpasok. Makalipas lang ng ilang oras, ramdam ko na ang pagkahilo. Tong dalawang kasama ko, imbes na damayan ako, hindi naman kundi naglalandian lang sila.
Muli ako uminom at itinungga ko ang natitirang laman ng bote.
"Becccaaa, ubos mo na?" pinalakihan ako ng mata ni Kuya.
"Kaya nga, hindi pa kami nakakainom eh," reklamo naman ni Irin. "Maglandian lang kayo diyan, hayaan niyo lang ako."
"Balik ako, may tumatawag," paalam ni Kuya, lumabas saglit dahil maingay dito sa loob.
Bumalik ito na may ngiti sa labi. "May kasama tayo, papunta na siya dito."
Nakita ko ang pagkindat ni Kuya kay Irin. "Eeww, kadiri niyo, keha-harot," lasing kong sambit.
"Uuwi na ako," tinangka kong tumayo, ngunit nahihilo ako. Naagapan naman ako ni Kuya na sinalo, kaya hindi ako natumba sa sahig.
"Alam niyo, hindi ko naman ginustong magkagusto sa babae, eh, nakakadiri kaya, parehong babae magtutukaan." Wala sa sarili kong sabi, narining ko ang mahinang pagtawa ni Irin.
"Pero noong nakilala ko siya, nabago ang pananaw ko sa pag-ibig, na walang pinipiling kasarian ang tunay na pagmamahal."
Tumulo na ang aking luha. "Alam niyo bang mas masakit mabroken sa babae? Ha, alam niyo ba yon? Ang sakit sakit dito," turo ko sa aking dibdib na bahagya ko pang sinuntok.
"Alam mo, Bec, we have the right love at a wrong time, but who knows what will happen tomorrow? Malay mo kayo pala ni Nathaniel talaga," pang-aasar nito.
"Alam mo, Irin, ayaw kitang maging hipag, alam mo kung bakit? Kase ampangit mo mag-advice," turo ko sa kanya habang sapo ko ang aking ulo.
Dinig ko ang tawanan nila ni Kuya. Hindi ko talaga kakitaan ng kalasingan si Kuya, naka-isang shot lang ata.
"Kuya, bat di ka uminom?" akmang tatayo ako, pero napaupo ulit ako sa sofa.
Sumama ako, hindi para iinom, sumama ako para may mga bantay sa inyo at masigurong safe ang pag-uwi ng mga prinsesa ng buhay ko," nakangiti nitong tugon.
"Eww, kadiri... Gusto mo lang makasama si Irinningg, eh," sabay irap ko dito.
Kaya mahal na mahal ko din si Kuya dahil never niya akong pinabayaan; partners kami sa lahat ng bagay, lagi akong ipinagtatanggol.
Nakita ko ang pagtingin ni Kuya mula sa aking likod. Hindi ko ito maaninag dahil nahihilo na ako.
"Freen, halika, maupo ka," kaway ni Kuya. Lumapit naman ang babae at naupo sa aking tabi, halos pahiga na ako sa pagkakaupo.
Napaayos ako ng upo ng maamoy ko ang pamilyar na pabango.
"Freen, Freen Sarocha?" patawa kong binanggit ang pangalan niya.
"Halika, Irin, magsayaw muna tayo," dinig kong aya ni Kuya sa kaibigan ko.
"Sa-sama din ako, mga buang, wag nyo ko iwan dito sa babaeng kumag na to," hiyaw ko, akmang tatayo ako, ngunit bigla akong nahilo, pero nahawakan agad ako ni Freen at napakandong sa kanya.
"Your drunk," saad nito, ramdam ko ang mainit nitong hininga dahil sa pagsalita nito malapit sa aking tainga.
Tatayo na sana ako, pero niyakap niya ako.
"Freen, bitawan mo nga ako," pagsusungit ko dito.
"Becca, mag-usap tayo, gusto kong magpaliwanag, please," ramdam ko ang mukha nitong nakasubsob sa aking likod.
Kahit pa anong paliwanag ang gawin niya, siguro hindi na mababago ng katotohanang masaya na siya at okay na sila ni Olivia.
Pinilit kong kalmahin ang aking sarili at malakas kong tinanggal ang kamay nitong nakapulot sa aking bandang tyan. Natanggal naman iyon.
Mabilis akong tumayo at tinungo ang kotse.
Ng makita ko ito, mabilis akong pumasok sa loob. Tinawagan ko sila Kuya dahil hindi ako pwedeng mag-drive, napapikit ako dahil sa hilo.
Hindi nagtagal ay bumukas ang kotse. "Kuya, wag mo na ihatid si Irin, matutulog na lang sa bahay. I want to rest na," ani ko habang nakapikit, himas-himas ang aking ulo.
Sa backseat ako umupo dahil alam kong sa harap lang din pauupuin ni Kuya ang aking bestfriend. Hindi ito sumagot, bagkus ay pinaandar nito ang kotse.
Hindi ko talaga kayang idilat ang aking mata, nasusuka ako na nahihilo. "Irin, pahinging tissue," wika ko habang nakapikit.
May inabot ito at ipinahawak sa aking kamay. Nakapikit pa rin ako at itinakip sa aking ilong ang tissue.
"Pati ba naman dito sa sasakyan sumasama ang amoy ng kumag na yon," sisinghot-singhot ko saad matapos kong maamoy ang pabango nito mula sa tissue na hawak ko.
"Hindi ko na talaga kakausapin pa iyon, ang hirap kaya maging option. Atsaka ka lang maalala kung gustohin niya, atsaka ka lang niya mahal kung di sila okay ng kinakasama niya," asik ko na lasing pa rin ang tinig.
"Baka may dahilan lang siya kaya niya nagawa yung bagay na iyon, atsaka ikaw din naman may ginawang ikinasama ng loob niya, pero hindi ka niya sinisisi," boses ng babae mula sa driver seat.
Umiling-iling ako, dahil sa sobrang kalasingan, ay tinatamad na akong idilat ang aking mata.
"Mahal ka niya, at mamahalin kahit ano pa man ang mangyari," dinig kong saad nito, pero hindi ko na nagawang sumagot dahil nakatulog na ako.