HINDI alam ni Tallulah kung bakit ang bigat ng mga paa niya nang lumabas siya sa silid ni Gael para hayaan itong mag-usap at si Lilliana. May kung ano'ng bumubulong sa kaniya na huwag iwan ang binata at makinig na lang sa usapan ng mga ito pero natatakot siyang malaman ang katotohanan at kung sino ang babaeng iyon sa buhay ni Gael. Hindi siya mapakali habang palakad-lakad siya sa labas ng silid ni Gael. Hindi niya maiwasang hindi ma-tense. May gusto siyang malaman pero natatakot siya. Bakit parang may kirot siyang nararamdaman sa mga oras na iyon? Nang banggitin ni Gael ang pangalan ng Lilliana, damang-dama roon ang pananabik at ang kagustuhan nitong masilayan ang dalaga. Nagtaka man siya kung bakit nalaman agad nito na may kasama siya, hindi na rin siya nagtanong dahil sa sinabi ni Gael

