AGAD na napamulat ng mata si Tallulah. Pakiramdam niya'y pumikit lang ang mga mata niya dahil halos hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi. Pakiramdam din niya namumugto ang kaniyang mga mata dahil sa pagbuhos ng luha niya. Hindi niya alam pero nasasaktan siya at nahihirapan sa sitwasyon na kinalalagyan niya. Nalilito na rin siya sa totoong nararamdaman niya para kay Gael. Awa at konsensiya na nga lang ba o muling tumibok ang puso niya para sa binata? Naguguluhan siya at alam niyang mali iyon dahil may masasaktan siyang tao na labis na nagmahal sa kaniya at hindi siya iniwan sa kabila ng nangyari sa kaniya. Pumikit muli siya at nasapo ang ulo. Bahagya pa siyang napangiwi dahil sa pagkahilo niya na marahil dulot ng kulang sa tulog. Tumingin siya sa kisame at nakita niya roon ang seryosong

