HINDI alam ni Tallulah kung nakailang bangon na siya at kung nakailang pagulong-gulong na siya sa kama dahil hindi siya makatulog sa kakaisip sa kakaibang pinakikita at pinararamdam sa kaniya ni Gael. Hindi na niya alam kung alin ba ang totoo at hindi sa mga iyon pero kahit ano'ng isipin niya, alam niya sa kaniyang sarili na gusto niya ang lahat ng iyon at iyon ang matagal na niyang gustong maramdaman mula sa binata. Ngunit sa kabila niyon, tama bang maramdaman niya iyon gayong ikakasal na siya kay Kendric? "Haist!" Hindi na maipinta ang mukha niya sa pagkagusumot dahil sa magulo niyang utak. Padabog siyang tumayo ng kama at at lumabas ng silid niya. Baka kailangan lang niya ng maraming tubig para makalma. Huminto siya nang tumapat siya sa silid ni Gael. "I'm sure, tulog na iyon," mahin

