"WHERE'S is she, Hiro?" nababahalang tanong ni Gael sa binata dahil simula nang magising siya, hindi pa niya nakikita ang dalaga. Kanina pa niyang gustong lumabas at hanapin ito pero alam niyang hindi pwede dahil malalaman nilang nakakakita na siya. Kumunot ang noo ni Hiro dahil sa pagtataka nito sa kinikilos niya. "B-bakit parang nag-aalala ka ng sobra sa kaniya, Sir Gael? Lately, napapansin ko na hindi ka na palaging galit sa kaniya and you always choose her over Carmella. Is it real or it's still a part of your plan?" usisa nito. Natigilan siya at umiwas ng tingin sa kaharap. "J-just answer my question, Hiro nasaan si Tali? Did she left? Umalis na ba siya sa mansyon?" aniya para hindi sagutin ang tanong nito. Natawa si Hiro at napakamot sa noo. "You don't need to answer my question,

