"HEY! YOU ok, Tali?" Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Serum. Kanina pa siyang nasa terrace at nakatulala dahil sa nangyari kanina sa kanila ni Gael. Ginugulo niyon ang utak niya at hindi niya alam kung paano iiwasan ang kakaibang nararamdaman niya. Natatakot siya na baka mahal na ulit niya ito. Paano si Kendric? Umiwas din agad siya ng tingin sa binata. "O-ok lang ako, Serum," pakli niya. Lumapit ito at pumwesto sa tabi niya. "Dahil ba kay Gael o dahil kay Carmella?" Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya. "Well, I just wanna say sorry dahil sinungitan ka ni Carmella at gusto ka niyang paalisin sa mansyon. She's just being protective kahit alam niyang wala siyang mapapala sa ginagawa niya para kay Gael." Pumamulsa ito at bakas ang inis sa mukha na lumingon sa la

