NASAPO ni Tallulah ang kaniyang noo at tiningnan ang kaniyang ina na nagpapahiwatig na dalhin muna nito si Callum sa silid nito na nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin. "Let's go to your room, Apo," anito at inakay nito ang nagtatakang bata. Nilingon pa sila nito na bakas ang pagkabahala roon. Nang mawala ang mga ito, hinarap niya si Kendric na bakas ang magulong isip sa kaniyang mukha. Hindi na niya alam ang dapat niyang gawin gayong ang tanging alam niya, kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng nagawa niya noon. "K-Kendric, I'm sorry!" sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata niya dahil alam niyang masasaktan niya ang binata na hindi nito deserve. "Bakit ka nagso-sorry, Talu?" naguguluhan nitong tanong na bakas doon ang kaba. Bumuntong-hininga siya at pinakatitigan ang noby

